Launchorasince 2014
← Stories

SEE YOU SOON (A novel) [ON-GOING]

Original Story Cover  of the story on wattpad.com


I've been in love with her since the day I met her. I knew it and it's so awkward. Every time I see her my heart wants to slice it's way out of my chest with a machete just to be closer to her. I want to told her against me every time she even frowns and just let her know that everything will be okay.

When she's gone, I miss her. When she's near me, I can't help but smile and make an ass out of myself. I trip over words, stumble over syllables, sometimes she thinks it's just a speech problem but she didn't know it's just her affecting me.

I honestly thought I was a gay until she hugged me for the very first time. She changed me so much--from a loner-emo kid who hated everybody to the social butterfly I am today. How I wish I could tell her how she means a lot to me. But I understand it's impossible.

I just want to make her smile for real. No more hiding behind your mask of lies, my beauty take it away from your eyes and let me make you smile.

I just can't afford to make you suffer so I am doing this. . . I am choosing this. I will rather choose myself to be hurt forever and suffer for not telling you my feelings and my true condition that seeing you, my love get hurt in the very last minute of my existence..


CHAPTER 1


SAFIYA'S POV

It was a sweet evening nang sunduin ako ni Xyrus mula sa bahay namin. Why so sweet? Finally! Pagkatapos ng God knows how long has passed ay naisipan niya rin akong yayain mag-date. Anyways, it's not a real date that you thought. He says it's just a 'friendy date'.

Right! I am his bestfriend so what can I expect?

Napabuntong-hininga na lang ako then I just look at him silently. He drove me in a classic restaurant. I tried to peak for the name of the restaurant but I failed. I guess my height doesn't succeed much either. Mas mabuti siguro kong tatanungin ko na lang si Xyrus. I'm a shorty five-three feet, while Xyrus is a six-footer guy. Kaya nga kung minsan ay halos mabali na ang leeg ko sa kakatingala sa tuwing magkakasama kami para lang makita ko ang gwapo niyang mukha.

Naglalakad kami papalapit sa entrance ng restaurant. Bago pa kami makapasok ay may lumapit na agad sa amin na waiter at siya mismo ang nagbukas ng pintuan para sa amin. Natigilan na lang akong ng biglang hawakan ni Xyrus ang kamay ko. Pinagsaklop niya ang mga daliri namin habang dinadala kami ng waiter sa isang bakanteng table. Napatingin ako sa kamay naming dalawa na magkahawak. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng dalawa kong pisngi at ang paghuhuramentad ng sistema ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko upang mapigilan ang pag-ngiti. Matagal na akong may gusto kay Xyrus, obviously. Simula pa lang ng makilala ko siya way back in our school life. There is something on him na pakiramdam ko ay na-attach ako sa kanya ng sobra. Gusto ko siyang laging kasama, laging nakikita at nakaka-usap. Nah, maybe I'm just crazy. Ang masakit lang ay 'bestfriend' ko siya. Sa Filipino ay 'matalik na kaibigan'. Kung kaya't kahit gustuhin ko man magtapat ng tunay kong nararamdaman para sa kanya ay hindi ko magawa. Paano na lang kung hindi niya ako gusto? Paano nalang kung hindi parehas ang nararamdaman namin para sa isa't-isa? Paano kung kaibigan lang talaga ako para sa kanya? Ayoko naman ako pa ang maging dahilan para masira ang halos ilang taon naming pagkakaibigan. I felt like a masochist, oh well I really am.

"Can I take your order Sir, Ma'am?" Tanong ng waiter pagkatapos niya ibigay ang menu sa amin. Napanguso lang ako. Hindi ko pa nga nakikita 'yong menu, hinihingi na agad niya ang order namin. Aba! May sira yata sa tuktok ito eh.

Umismid ako at iginala na lang ang paningin sa kabuuan ng restaurant kung nasaan kami ngayon.

"Safiya. . ."

I wonder kung bakit ito ang napiling restaurant ni Xyrus. Hindi naman siya mahirap, in fact rich kid na ang isang ito pero sadyang matipid lang talaga siya. Hindi niya trip ang gumastos ng pera para sa mga walang kwentang bagay. Pati ang kumain sa mamahaling lugar kung mabubusog din naman siya sa simpleng fast food. Magaling humawak ng pera si Xyrus and that's also one of the reasons why I love him.

Wait! Did I ever say 'I love him'? Ah, not again.

"Safiya!" Napatalon ako sa gulat ng marinig ang baritono at may bahid na galit na boses ni Xyrus. Sumulyap ako sa kanya. Kunot-noo siyang naktitig ng matalim sa akin. Napalunok ako.

"Y-yes?" Kinakabahang tanong ko bago ngumiti ng tipid. Nagtiim ang kanyang bagang sa sagot ko. Napatitig ako sa kanyang itim na itim na mga mata. Ang kanyang mukha, iginuhit na kilay at mapupulang labi ay lalong nakapagdepina ng kanyang madilim na titig. That somehow I find very sexy and attractive.

"Anong gusto mo kainin?"

"Ikaw. . " Wala sa sariling sagot ko. Namilog ang mga mata ko ng marealize ko kung anong sinabi ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko ay halos umusok na ang mukha ko sa kahihiyan.

Minsan nga iniisip ko kung dapat ko na bang plasteran ang bibig ko.

"SAFIYA!!" He glarted at me. Nagtindigan ang mga balahibo ko sa paa. Ngumisi ako ng hilaw bago mag-peace sign sa kanya.

"I'm just kidding Oppa! Ikaw na lang ang um-order tutal ikaw naman ang nagyaya at magbabayad eh." I bit my bottom lip at saka nag-iwa na ng tingin. Great Safiya! Hanggang kailan mo ba balak ipahiya ang sarili mo? Oh lupa bakit hindi mo pa ako kainin?

"Don't call me Oppa!" Malamig ang kanyang tono ng sabihin ito. Bumaling siya sa waiter bago ibigay ang menu at ipagsiklop ang mga daliri sa ibabaw ng mesa. Ang sungit talaga!

"Just give us your specialty, please." Aniya sa waiter.

Nang makaalis ang waiter ay naging tahimik ako sa buong oras ng paghihintay ng pagkain. Nagugutom na ako at natatakot ako na baka makain ko si Xyrus kapag tinitigan ko siya. Hahaha!

Ilang minuto ang lumipas at bumalik na ang waiter. . .

He served us a . . . Errr! What's this? I don't know what kind of food it is pero mukha siyang karne na duguan. Napapailing na lang ako. Sino ba naman ang pumatay sa karneng ito at nakalimutan pa yata linisin ang nagawang krimen. Pero siyempre nagloloko lang ako. It was a steak. Agad kong kinuha 'yong knife and fork na nasa gilid ng plato dahil balak ko ulit itong patayin.

"Is it good?" Tanong ni Xyrus. Titikman ko pa nga lang tapos tatanungin na ko kung okay ito? Excited lang?

Nag-angat ako ng tingin sa kanya bago ko tikman 'yong steak. After that, I lick my own lips at kinagat ko ang aking ibabang labi habang tinititigan siya ng malagkit. Kitang-kita ko ang ginawang paglunok ni Xyrus dahil sa ginawa kong gesture. Napahagikhik ako.

"It's damn good!" Nasisiyahang sambit ko. Umubo siya ng ilang beses bago mag-iwas ng tingin sa 'kin.

Ilan sandali lang ay muli siyang nagsalita. . .

"Safiya. . ." He said. Nagtaas ako ng tingin then I look back at him.

"Why dear? If you are going to ask me about the food again, well yeah it taste perfect. How did you know this place Xyrus?" I said. Napataas siya ng kilay at muling sumubo ng piece of steak mula sa plato niya. Marahil ay nagulat siya sa bigla kong pagi-Ingles. Bakit? Bawal na ba akong magsalita sa Ingles? Nasa free country naman tayo, eh.

"Don't you ever think of having a boyfriend Safiya?" He asked me instead. Still, nasa plato niya pa rin ang kanyang atensyon.

Muntikan ko na maibuga 'yong kinakain ko dahil sa tanong niya. Am I hearing it right? Wait, joke ba 'yon? O nabingi lang talaga ako? Tinitigan ko siyang mabuti. Malamig ang kanyang tingin at walang bahid ng ekspresyon ang kanyang mukha. Kumalabog ng husto 'yong puso ko. Napakagat ako ng labi ko at tinitigan siyang mabuti. Sa wakas, after all those years nag-open up din siya about sa love life ko! Oh, yes! Ibig sabihin ba niyan ay balak niya na akong ligawan?

Ano ka ba Safiya? Masyado ka lang talagang assuming! Ikaw? Liligawan? Ng isang mandin pero saksakan ng gwapong lalaki na tulad niyan ni Xyrus? Oh come on!

Napabuntong-hininga ako. Well, he's my best friend but he doesn't seem interested in my love life. Ni hindi niya ako tinatanong ng tungkol dito. Kung may nanliligaw ba sa 'kin? Kung may crush ba ako o may boyfriend na. Ngayon lang talaga at feeling ko umuusad na talaga ang relasyon namin.

Darn! Kung alam mo lang Xyrus!


CHAPTER 2


Pinagmasdan ko siya. Seryoso ang mukha niya habang naghihintay ng sagot ko. "Why Xyrus? Gusto mo ba akong maging girlfriend?" I said bluntly pagkatapos ay nagtwinkle eyes pa ako sa harap niya. It's no or never. Kung yayayain niya akong maging girlfriend niya, hindi na ako magpapaligaw pa. Diretso sagot na! Tapos diretso honeymoon na rin kung gusto niya. Chos lang! Echusera lang ako eh.

Napakunot siya ng noo sa sinabi ko. Tuluyan niyang binitawan ang utensils na hawak niya at saka ako tinignan ng mataman. "I am not the one for you. Maghanap ka ng lalaki na kaya kang alagaan at mahalin habang buhay. 'Yong taong hindi ka iiwan." Sabi niya gamit ang mababang tono.

Bahagyang umawang ang bibig ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Nayanig ang sistema ko at tila awtomatikong naglaglag ang dalawang balikat ko. Did he just reject me indirectly? Napalunok ako. Tila isang malaking sampal ito sa akin. Ganoon ba talaga? Hindi ba talaga niya ako kayang magustuhan? Hindi ba talaga niya kayang maramdaman ang pagmamahal na mayroon ako sa kanya? Hindi bilang isang kaibigan. Damn it!

Biglang nagbago ang mood at naging malungkot ang atmosphere. Hindi na ako makatingin sa kanya. Suminghap ako upang pigilin 'yong mga luha kong nagbabadyang bumagsak ano mang oras. No Safiya! Huwag kang iiyak! Hindi ka iiyak! Matapang ka 'di ba? Dapat laging masaya ka lang at laging nakangiti! Parang baliw lang, tutal baliw ka naman talaga.

"Let's go. I will take you home Safiya." Marahang sambit niya saka tumayo—nag-iingat sa bawat sasabihin.

Nauna na rin siyang maglakad palabas ng restaurant. Napayuko lang ako. Ramdam ko 'yong paninikip ng dibdib ko. Para akong nawawalan ng hangin. Nanghihina ang buong pagkatao ko. Wala akong ibang minahal na lalaki bukod kay Xyrus. He was my first love and also dreaming to be the last.

Tumayo ako sa kinauupuan ko kahit na pakiramdam ko ay hinang-hina na ako. Sinundan ko si Xyrus. Binuksan niya ang pintuan ng passenger seat kahit hindi pa ako nakakalapit doon. Pagkatapos ay umalis siya upang pumunta naman sa driver seat. Naging tahimik lang kaming dalawa sa buong biyahe. Nagpapakiramdaman. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagbaling na lang ng atensyon sa labas ng bintana.

Pagkalipas ng ilang minuto ay hininto na niya ang sasakyan. Napansin kong nasa harap na pala kami ng bahay ko. Sinulyapan ko siya. Seryoso pa rin ang ekspesyon niya at mukhang wala talaga siyang balak magsalita. I shut my eyes close. I knew Xyrus too well, kung hindi ko siya kikibuin ay iisipin niyang galit ako. Pagkatapos ay ilang araw siyang mawawala ng walang paalam. Hindi niya ako kakausapin at babalik na lang siya ulit kapag alam niyang okay na ako.

Humugot ako ng malalalim na hininga.

"Thank you for the night, Xyrus." Tipid na pahayag ko.

Nagbaling ako ng tingin sa kanya. Kitang-kita ko ang mabigat niyang paghinga. Ipinikit niya ang kanyang mga mata bago bumaling sa akin.

"Same here Safiya." Aniya sa mababang tono pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko. Marahan niya itong pinisil. Para akong nakuryente sa ginawa niya. Suminghap ako at kinagat ang pang ibabang labi ko habang pinagmamasdan siya.

"I'm sorry," Malumanay niyang pahayag. Nakita ko ang saglit na pagguhit ng sakit sa kanyang mga mata.

"Sorry for what?" Maingat kong tanong. Pilit binabasa ang nasa isip niya.

Ngumiti siya sa akin ng matipid. Magtatanong pa saka ako ng muli na siyang magsalita.

"Nevermind. Just go home, it's getting late now." Huminga siya ng malalim at mabilis na nag-iwas ng tingin. Napakunot ako ng noo.

"O-Okay?" Alangan na sambit ko pero laking gulat ko na lang ng pisilin niya ang ilong ko. Nahigit ko ang hininga ko. Lalo na ng lumapit siya sa akin ng husto at halikan niya ako sa noo. Bumagsak ang dalawang balikat ko. What am I? A grandmother?

Ngumuso ako na naging dahilan ng saglit niyang paghalakhak. Inis na binuksan ko 'yong pintuan ng kotse niya. Naglakad ako papasok sa gate ng bahay namin. Binaba niya 'yong salamin ng sasakyan niya pagkatapos ay nagpaalam na. Ngumisi lang ako ng hilaw saka kumaway na din sa kanya.

Napasandal ako sa gate namin ng makita ang unti-unting pagkalayo ng sasakyan niya hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin ko. I heave a sigh. Darn. Why are you doing this to me Xyrus? Pakiramdam ko mababaliw na ako. Why does he have to be so sweet to me then cold afterwards? He's really a complicated one but I like it. I like him. I'm falling. Really falling terribly hard. But I wasn't sure if he will going to catch me afterwards. Will he?

Pagkalipas ng dalawang linggo . . .

Hindi ko na nakita pa si Xyrus simula ng gabing 'yon. Not even call or text. Iniisip ko na lang na marahil ay masyado siyang busy kaya nakalimutan na niya ako. Well, bestfriend lang naman ako. What can I do? Napabuntong-hininga na lang ako sa kawalan. I'm just hoping of seeing him this coming Sunday. I know it sounds crazy, well I am crazy pero binabalak kong puntahan na mismo siya sa kanyang condo unit. Yes, whatever it takes.

Sumapit ang Linggo at maaga akong gumising. Malaki ang ngiti ko ng umalis ako sa bahay namin. Sa wakas, pagkatapos ng madugong linggo ng pagpupuyat sa trabaho ay makikita ko na rin ang pinagmumulan ng lakas ko--si Xyrus. Ugh! I'm hopeless.

Isa akong Call Center Agent sa isang prestihiyosong Telecommunication Company sa Makati. I am on a graveyard shift kaya naman madalas akong tulog sa umaga. Buti nga at hindi pa ako nagiging bampira eh. Sumakay ako ng bus patungo sa address ng condo unit na tinitirahan ni Xyrus. Hindi naman ito kalayuan pero dahil isa lang akong normal na mamamayan ng Pilipinas, hanggang bus fair lang ang afford ko.

Ilang minuto ang lumipas bago ko parahin 'yong bus na sinasakyan ko. Bumaba ako mismo sa tapat ng isang matayog na condominuim. Malaki ang pagkakangigiti ko ng maglakad na ako patungo sa entrance nito. Nagfill-up muna ako sa log book ng security guard na nakadestino ng mga oras na iyon bago nakangising naglakad sa elevator.

Bumukas ang elevator at bahagya akong napaatras ng makitang walang ibang tao dito. Napalunok naman ako. Alam na alam ko na 'yong mga ganitong eksena. Ganito 'yong mga madalas kong napapanood sa horror films, eh. 'Yong mag-isa lang 'yong bidang babae na sasakay ng elevator tapos may sasakay mula sa ibang floor na. . .

Papable at magkakaroon ng sparks sa bidang babae! Hahaha! And they will live happily ever after. Huwag niyo ng tanungin kung paano naging horror 'yon. Hahaha.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng elevator. Inamoy-amoy ang bawat sulok bago magpasyang sumakay dito. Nang makasakay na ako sa elevator, pinindot ko 'yong floor kung nasaan ang unit ni Xyrus. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang umaandaw ang elevator pataas. I am silently praying na sana hindi huminto ang elevator, mamatay ang ilaw at ma-trap ako. Buti sana kung kasama ko si Xyrus eh 'di natuwa pa ako, kaso hindi eh. Ano na lang gagawin ko kung mag-isa akng ma-trap dito? Magseself-mance? Tapo ano? Hahanapin ko si Basilio? Ayoko 'no! Hindi pa ako ready maging si Sisa at masyadong cheap ang rolse. Gusto ko ako si Maria Clara. Niyakap ko ang sarili ko, wala kasing poste. Eh di sana iyon na lang niyakap ko.

Muling tumunog ang elevator hudyat na nakarating na ako sa aking pupuntahan na floor number. Nagmamadali akong naglakad palabas ng elevator at ganoon nalang ang pagkabigla ko ng makitang wala rin tao sa hallway. Nagpalinga-linga ako. 'Yong totoo? Natulyan bang kumalat ang virus ng umbrella corporation kaya wala ng mga tao? Pakiramdam ko nagtindigan ang mga balahibo ko sa aking batok. Marahan akong naglakad. Lumiko ako sa kanan at saka huminto sa isa sa mga unit. Marahan akong napangisi. Parang bigla nalang nabura ang takot ko kanina ng makarating na ako dito sa mismong unit ni Xyrus.


CHAPTER 3


Napakagat ako ng ibabang labi ko. Ano kaya ang ginagawa ng baby ko ngayon? Taray! 'Baby'?! anak ko ata si Xyrus eh.

Humagikhik ako saka marahang inikot 'yong doorknob. But to my dismay, naka-lock ito. Of course! Sino ba naman ang wala sa wisyo na iiwanan na bukas ang pintuan ng bahay nila? Depende na nga lang kung naghihintay si Xyrus ng magnanakaw. Magnanakaw ng kanyang puso, at walang iba 'yon kung hindi ako. Napatawa na lang ulit ako sa iniisip ko.

Hinalughog ko ang aking bag at saka hinanap ang spare key ng unit ni Xyrus. Yes, mayroon ako nito. Ako pa ba? Siya mismo ang nagbigay nito sa akin. Ang sabi niya para raw in case na wala pa siya ay makakapasok pa din ako. Ang sweet niya 'di ba? Pero ang kabilinbilinan niya ay kailangan daw pagdating niya ay linis na ang kanyang unit.

Napailing na lang ako at saka sinimulang ipasok ang hawak kong susi sa door knob ay marahan itong pinihit. Hindi naman ako nabigo dahil sa pagkakataon na ito ay narinig ko ang pag-click nito ng aking pihitin upang bumukas. Pumasok ako sa loob ng kanyang unit ng akin itong mabuksan. Nagpalinga-linga ako sa paligid at bahagyang napataas ang aking kilay ng mapansin na napakatahimik ng buong paligid.

Wala siya dito? Nasaan siya? Teka nga, sino ba ako para magtanong ng ganito? Pero naiinis ako kasi nasayang effort kong pumunta rito, ha.

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba kasi hindi ko muna siya tinawagan at tinanong kung nandito siya sa unit niya bago ako pumunta? E 'di sana hindi nasayang oras at pagod ko sa wala. Gusto ko nang iuntog ulo ko sa pader para naman marealize ko 'yong pagkatanga ko. "Ang tanga mo talaga kahit kailan Sophia", tanging nasambit ko sa sarili ko. Literal, hindi lang ako makakalimutin pero isa pang dakilang tanga at pinandigan ko pa ito.

Padabog akong naglakad papunta sa mini-sala ng unit ni Xyrus. Paupo na sana ako sa couch nang makitang may katawan na nakahiga rito. Halos mapatalon ako sa gulat ng makit ang mala-Greek God na nakahilata sa sofa. Si Xyrus pala 'yon. He was lying on the sofa while sleeping.

Biglang kumalabog ang puso ko. Para akong kinilit at kinuryente sa kilig. Tahimik akong naglakad papalapit sa kanya at saka siya pinasadahan ng tingin. I squatted in front of him. Pinagmamasdan ko nang mabuti ang kanyang perpektong hitsura at katawan. Mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyan paa. Ang makinis at maputi niyang mukha, ang kilay niyang parang ginuhit ng isang magaling na pintor, ang kanyang napaka-perpektong jawline, matangos na ilong, at pati na rin ang mapupula niyang mga labi. Napapalunok ako. Pakiramdam ko may mga nagliliparang kulisap sa loob ng tiyan ko. He's just so perfect. Para diyang diyos na bumaba mula sa langit. So hot and alluring, not to mention how sexy he is. Kung pwede nga lang na habambuhay ko nalang siyang pagmasdan ng ganito, I would love to. O kaya naman ay gahasain siya ng hindi niya nalalaman ang gagawin ko sa kanya. ay ginawa ko na.

Napabuntong hininga nalang ako sa mga pumapasok sa isipan ko. Tatayo na sana ako ng mapatili ako sa gulat ng bigla niya na lang akong higitin sa palapulsuhan. Bumagsak ako sa mismong ibabaw niya. Namilog ang mga mata ko. Lalo na ng makita ang sobrang lapit niyang mukha sa akin. Nakakapanghina at nakakalusaw ang mga tingin na pinupukol niya sa 'kin. Napalunok ako. Kitang-kita ko ang pag-awang ng kanyang labu at pagkagat niya dito. Marahan siyang nagbaba ng tingin sa labi ko. Kumabog ng husto ang puso ko. Pakiramdam ko tatakasan na ako ng sarili kong kaluluwa. Ramdam ko 'yog mga miinit niyang kamay na humahaplos sa likuran ko. I shut my eyes close. Oh God! He's going to kiss me?! Is he going to kiss me? I can't take this anymore!

Napasinghap nalang ako ng maramdaan ang mainit niyang hininga sa ilong ko pababa sa labi ko. Pagkatapos ay bigla siyang humalakhak. Natigilan ako sa aking mga iniisip. Idinilat ko ang aking mga mata at tinitigan siya.

"You're so cute Safiya", aniya sa malat na boses. Nahigit ko ang hininga ko. Ngayon ko lang narinig ang mala-bed room voice niya. Imbes na mainis sa ginawa niyang pang-aasar ay mas lalo pa kong kinilig. Nag-init ang dalawang pisngi ko.

Sinubukan kong mag-iwas ng tingin sa kanya, ngunit tila may sariling isip ang aking mga mata at sinasalubong ko ang mga titig niya. Unit unting nabura ang ngiti sa mga labi niya. Sumeryoso bigla ang kanyang mukha maging ang mga mata niya. Para ako nitong hinihigop papalapit. May kung anong sensasyon akong nararamdaman na nagmumula dito. Nahigiy ko ang hininga ko ng maramdaman ang mga kamay niyang unti-unting humahaplos pababa sa baywang ko--para akong nakukuryente dito. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.