Launchorasince 2014
← Stories

SEKRETONG TAGPUAN

Alam mo dati pa matagal na tayong nag uusap pero hindi mu lang malaman. Ang tunay na naramdaman sapagkat ikaw ang tunay na dahilan

kung bakit ako nandito nanatili, nakikinig, sumasaya lalo pagkasama ka.

Ang mga dahilan na ito'y laging hawak-hawak ng puso'y natatakot.

Kung masabi ng puso ko't ikaw ang siyang nilalaman ng bawat salita.

Ikaw ang tanging hinahanap pero hindi madali ang lahat.

Hindi  man tayo pwedeng magkita, magkasama, magkausap.

Sa mata ng tao tayo ang mali sa paningin nila.

Kahit gustuhin natin walang gustong makinig. 

Sa ating sekretong tagpuan na walang ibang nakaka-alam.

Ikaw lang at ako malaya makagawa ng tunog ng puso'y gustong sumigaw

Sa matagal na pagkahimlay ng panahon. Dahil dito lang natin magagawa

ang mga bagay na gusto nating maparating sa lahat. Na kahit ang layo

ng agwat ng estado ng buhay natin dalawa ay may karapatan din mag MAHAL.