Sinusubukan ko
Kinakalma ko ang puso ko
Pinipigilan ko ang kilig
Nilalabanan ang bawat pintig
Dala ko ang alaala mo
Ngunit hanggang dito na lang tayo
Nakakapagod na rin
Ang maghintay na 'yong mapansin
Gabi-gabi ay nilalabanan ko ang puyat
Naghihintay ng sagot sa mga sulat
Panatag ako noon
Ngunit tila ba nanlalamig ka na ngayon
Ayoko mang bumitaw
Ngunit pagod na ako sa pagsambit
Ng "balang araw"
Balang araw
Mapapansin mo rin ako
Balang araw
Bibigyang panahon mo rin ako
Balang araw
Magtatagpo rin ang ating mundo
Balang araw
Magkakaroon din ng "ikaw at ako"
Ngunit lumubog na ang araw
Pag-asang kinakapita'y hindi na matanaw
Sinusubukan ko
Na labanan ang pagsinta sa'yo
Isang malaking kahibangan
Na umasa sa pagmamahalang pagsasaluhan
Kung nakatali ka na sa nakaraan
Takot kang magmahal
Ayaw mong muling sumugal
Sabi mo, natatakot kang masaktan
Takot kang maiwan
Paano naman ako
Na naghihintay sa'yo?
Hanggang dito na lang ba tayo?
Paalam na mahal
Sinubukan ko
Pero natalo ako
Hanggang dito na lang ako
Pagod na kong umasa sa "tayo"