Para ito sa mga wasak ang puso,
Iniwan, nang-iwan, nagpa-iwan.
Paano ba makalalaya ang pusong
bilanggo?
Dadaan ka muna sa ilang hakbang
Sa ilang butas ng karayom
Una, ito ang magiging pinakamasakit
na mararamdaman mo.
Wala ng ibang mas titindi sa sakit
at kalungkutang dala nito.
Ikalawa, ito ang papatay sayo.
Papatay sa natitira mong pag-asa,
sa naiwan mong ligaya,
sa iyong kaluluwa.
Ikatlo, guguho ang mundo mo.
Masisira lahat at walang maiiwan.
Kundi ang labi ng patay mong
damdamin.
Ikaapat, babangon ka muli.
Aayusin ang sarili.
Maniniwalang kaya mo na.
Ikalima, makikita mo siyang muli.
Masaya, punong-puno ng kulay
Pero hindi ikaw ang kasama
at hindi ikaw ang dahilan.
Ikaanim, aaminin mo na sa sarili mo
Na hindi ka perpekto para sa kanya.
Maiintindihan mo na hindi ikaw at siya
kundi siya at siya pala.
Pagkatapos ng lahat ng ito malalaman mo na.
Magiging bukas na yung isipan mo.
Matatanggap mo na.
Malulungkot ka pa rin pa-minsan pero bahagi yun ng proseso.
Masakit bumitaw at mahulog.
Pero mas masakit kumapit sa bagay na
hindi naman pala para sa atin.