launchora_img

Soksay 2013-2017: History in LSPU-SCC

Info

Soksay 2013-2017: History in LSPU-SCC
6/17/17

Hanggang ngayon, natatandaan ko pa rin kung paano ako pumasok sa eskwelahang iyon. Sa first day of class, dumating akong late at naubusan pa ako ng bangko. I even share seat with one of the best classmate I ever knew.

Sa unang araw, kinabahan ako, hindi ko alam kung kakayanin ko ang buhay kolehiyo dahil ibang iba ito sa high school na kinasanayan ko. Sa college, kailangan mong mag-self study at advance reading dahil minsan may surprise quiz na biglang gugulat sa iyo. Yes, they already existed during high school but in college it is trickier and harder.

Ano pa bang aasahan mo kapag malapit ka na sa real world, di ba?

Siyempre, as you will notice, hindi ito madali pero para makatapos ka, gagawin mo ang lahat ng kinakailangan.

Dati, ang pagtatapos ang pinakapinapangarap ng lahat sa klase namin.

Naalala ko pa noong unang linggo pa lang ng klase at first year pa kami, June 2013, may nagtanong na professor kung anong gusto naming marating at anong mayroon kami ten years later.

May sumagot sa amin ng kotse, bahay, palasyo, beach, resort at marami pang materyal na bagay pero pinakatumatak sa akin ang sumagot ng diploma.

Pinagtawanan pa namin siya noon kasi sabi namin, within four years magkakaro’n din kami nito. At para mapatahimik kami sa pagtawa, tinanong kami ng aming professor kung gusto ba naming gumradweyt. Affirmative! Gusto na naming maka-graduate on the spot ng araw na iyon. Ang hindi namin alam, may malungkot na katotohanan sa likod ng masasayang graduation at ngiti sa graduation pictures.

Hindi mo inakalang hahanap-hanapin mo ang mga bagay na iyon; kasama na rito ang barkadang pinaghihiwa-hiwalay dahil magkakaiba na sila ng lugar at landas na tinatahak, knowing na hindi naman lahat ay mag-e-engage sa kursong tinapos.

Nakaka-miss din iyong mga project, mga video presentation at mga performance task na palaging nagiging over nights na madalas kong iniiwasan.

Iyong ingay ng mga kaklase mong parang nasa ika-pintong bundok kung mag-usap at daig pa ang nakikipagtawaran sa palengke.

Ang makalat na classroom na parang dinaanan ng sampung bagyo kapag nag-alisan na sila.

Ang friendships na nabuo kahit magkakaiba ang mga ugali. Iyong bullyhan at kulitan pati na ang paglalagay ng bato sa bag ng mga napakahuhusay mong kaklase. Best moments ever! Mabigat na yung bag mo, mas bumigat pa dahil ang laki ng batong naiuwi mo sa bahay ninyo. Tapos itatanong mo sa group chat kung sinong salarin.

Naaalala ko ang ilan sa mga bagay na pinagkaisahan nating gawin dahil gusto natin at walang magagawa ang iba kasi matigas ‘daw’ ang ulo ng soksay. Natatawa na lang ako kapag naaalala kong parte pala ako ng klaseng iyon.

Classmates, makakalimutan ba natin ang staff sa guidance?
Yung dean’s office?
Yung pagiging number 1 reklamador at pasaway natin kapag may activities sa school?
Yung mga laitan at asaran tuwing may event sa school at kung ano-anong style ng suot natin?
Yung hindi pag-attend sa mga event na dapat ay organizers o kaya ay participants tayo?
Yung pag-ho-host natin ng events na muntik ng pumalpak pero bet na bet nila in the end?
Yung pagiging speaker natin sa seminar?
‘Yung awardings sa CTE night?
Yung pagiging rule breaker natin? Best example, pagpasok ng hindi naka-uniform.
‘Yung kalokohan natin during nakakaantok days dahil sa puyat at pagod during finals week?
Yung pagpapapasa ng e-books nung second year at third year at pagbabasa nito habang nagkaklase o pagkauwi kahit kinabukasan ay midterm na?
Yung ilan sa books ni Nicholas Sparks na natapos kong basahin ng isang linggo bawat isa?
Yung pagiging adik ng klase sa k-drama at pagpapasa ng episodes na dinownload ng isa para sa buong klase?
Yung tipong parang napanood ko na kahit hindi pa ako nagpapapasa dahil sa pagiging spoiler nyo. Haha.
‘Yung pati ako ay nakakilala sa EXO, Girls Generation, BTS, Super Junior at marami pang K-Pop groups at Korean actors at actresses.

Sino ba namang makakalimot sa ubusang pagkain nung linggo ng wika at nung CTE week boodle fight?
Yung lakwatsa at ubusan ng pera game during vacant, lunch at uwian? Taas ang kamay ng mga foodie buddy ko. Yung tipong pamasahe na lang ang nasa bulsa mo dahil inubos nyo na sa pag-fo-food trip sa palengke.

E, iyong mga professor natin na nagbigay ng ‘kulay’ sa college life natin?
E, yung G-shock tatay natin na mahal na mahal tayo?
Makakalimutan ba natin yung tamaraw at kalabaw?
E, yung debate namin nung isa nating professor everytime na may klase?
Yung law related studies, yung seatplan at sunod-sunod na pagbasa sa field study book?
Yung pagtulog at pagkain sa loob ng classroom habang may klase? Kaya ayun, walang notes. Ipapa-photocopy na lang pag mag-e-exam na.

Makakalimutan ba naman natin yung mga student teacher natin na nag-inspire, nag-motivate at nagbigay ng challenge sa atin?

‘Yung isa na pinakatumatak ay nagsabi na huwag sumuko at patunayang grades are just numbers kapag bumabagsak tayo during exams.

Iyong mga sakripisyo, puyat, pagod, luha at pawis pati ang pera na ginugol natin sa loob ng apat na taon? Sinong makakalimot sa lahat ng ito at sa marami pang iba na hindi ko na kayang banggitin pa?

Malamang, iniisip din ng marami sa atin kung paano natin na-survive ang survival of the fittest game na ito. Hindi natin alam kung paano pero ang mahalaga, sama-sama tayo hanggang sa huli. Sabi nga natin, damay-damay ito. Walang aamin. Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat. Haha..

Habang tinatahak natin ang landas, may mga nang-iwan, nag-shift at tumigil pero kahit gano’n, tiyak akong mananatili rin sa atin ang mga ala-alang kasama natin sila. Iyong mga panahong nandiyan lang sila kasama natin nakikitawa sa korni nating jokes at nakikiiyak kapag may isang umiyak.

Malilimutan ba naman natin ang salitang ‘CULTURE SHOCK’?

Naging favorite ko ang Humanities dahil doon. It embraces culture and almost everything. Haha.

Yung mga professor natin, makalimutan man natin ang mga naituro nila but never the way how they approach us. They taught us to be strong and to have perseverance.

May mga bagay pala na hindi mo mare-realize ang value hanggang hindi pa natatapos. Hindi ako showy sa public. Ayoko rin sa maraming tao kaya madalas ay nawiwirduhan ang iba ngunit nang makilala ko ang klaseng ito, naku, naubos yata ang hiya ko sa katawan, although ‘medyo’ tahimik pa rin ako.

Na-enjoy ko lahat ng grupuhan sa #Soksay. Hindi ako nag-stay masyado sa isang grupo but I knew where my heart belongs *insert wink emoticon*. 

Alam nyo ba ang rason kung bakit naging ganu’n ako? Iyon ay dahil alam kong darating ang pagkakataong ito. Darating sa puntong magkakahiwa-hiwalay tayo. Kapag nangyari iyon, ayokong umiyak, ayaw ko nung feeling na parang may naiiwan ako na hindi ko mawari kung ano at higit sa lahat, ayoko ring may ma-miss ako. Sounds heartless, right? Pero nagkamali ako, kahit gaano pala ang pag-iwas mo, may ma-mi-miss at ma-mi-miss ka pa rin na isang bagay na hindi kailanman mawawala  sa puso mo. Parang nai-tatoo na, naging parte mo at hindi na kailanman maaalis. 

Sa oras na maalala mo, babalik ang mga panahon pati na ang oras kung kailan ka naging masaya at the same time, kung kailan ka naging malungkot.

May mga magaganda at pangit na ala-ala ang kolehiyo. Nandyan ang pag-iyak dahil pasahan na ng thesis. Tapos na ang itinakdang deadline pero hindi ka pa rin tapos.

Nariyan ang masayang bonding tuwing may group project. Iyong maghapong practice na konti lang naman ang nagawa dahil nag-party party na kaagad.

Iyong sermon, feeling of being not belong at malungkot na di inaasahang pangyayari; lahat iyan ay naging parte ng kung ano tayo ngayon.

Minsan, masarap ding balikan ang mga iyan, lalo na kung mataas na ang nililipad mo sa iyong pangarap. Mapananatili nitong balanse ang pananaw mo sa lahat ng bagay.

Nakaka-inspire, nakaiiyak, nakalulungkot ngunit mapangingiti ka rin dahil napagdaanan mo pala iyon sa loob ng apat na taon. Ang bilis!

Hindi ko inakala na makaaabot tayo sa ganito. Iyong gigising ako sa umaga at magmamadali dahil akala ko, late na naman ako. It sounds so cliché but it really is.

Iyong papasok na ako at sasabihin ko, sa ‘trade’ o ‘LSPU’ po, estudyante para may discount sa jeep. Nakakatawa pero mami-mi-miss mo rin pala ang bagay na iyon. Sa oras na magtapos ka na ay ma-mi-miss mo ang lahat pati ang maliliit na bagay na hindi mo napapansin dati. Isama mo na ang pagsasabi ng ‘ESTUDYANTE LANG PO’ sa jeep na sinasakyan mo kapag kulang ang isinukli sa iyo.

Tama nga ang bagay na nabasa ko, makababalik tayo sa lugar pero hindi sa mga panahon at mga pagkakataong nagkasama-sama tayo. Magiging ala-ala na lang kasi ito. Dumating man ang panahon na makumpleto ulit ang Soksay sa isang lugar, hindi na iyon katulad ng dati dahil magiging mas matured na tayo sa lilipas na mga panahon.

Dati, pinag-sh-shift nyo ako ng BSEd English, AB Broad. o kaya naman ay pinalilipat nyo pa ako sa ibang university para mag-take doon ng Comm. Arts but I knew I can’t so I did not. Soksay kaya ako, I’ll stay no matter what, kahit itulak nyo pa ako sa labas ng room na never nyong nagawa *smirk emoji*.

Hindi nyo ba ako love?’ Ito ang lagi kong litanya kapag sinasabi nyo iyan.

Hindi ko kayang iwan ang samahan nating lahat. Alam ko kasing magiging masaya akong kasama kayo sa hirap at saya and all along, I was right. Nakasama ko kayo sa iyakan; kung kailan gusto ng sumuko ng ilan at sa tagumpay na nakamit natin dahil sa kapirasong papel na kapit natin ngayon na siyang katibayan ng apat na taong pagsusumikap ng sama-sama.

Nang isa-isa ng tinatawag ang mga pangalan natin sa stage, napatanong ako sa isipan ko,

Ito na iyon?’
Parang ang bilis naman, ito na ba iyong hinintay namin ng apat na taon?

Ito na ang diploma ko, tinitingnan ko pang mabuti dahil baka hindi iyon sa akin o kaya naman ay baka nagkakamali lang ako but I was wrong, my name is written in this single sheet of specialty paper. Tamang tama ang pangalan. May hypen at may letrang 'e' ang Anne.

Noon lang nag-sink in sa marami sa atin ang katotohanang hindi na tayo estudyante at ‘graduate’ na talaga tayo.

Finally, mga degree holder na, mga beshie. Hindi tayo makapaniwala. Kaya ayun, eksena tayo dahil para tayong mga baliw na umiyak at tumawa pagkababa ng stage.

Nang sandaling iyon, hindi na tayo mapaghiwa-hiwalay. Lahat ay ayaw ng umalis sa upuan at ayaw ng umuwi dahil sa oras na gawin niya iyon, alam niyang iyon na ang magiging huli.

Lahat ay ala-ala na lang na maiiwan sa unibersidad na iyon.

May luha sa pagsusuot ng academic gown pero hindi ko alam na mas nakakaiyak pala ang paghuhubad nito.

8:03 p.m., iyon ang oras kung kailan natin sabay-sabay na tinanggal ang ating mga itim na toga kasabay nito ang pag-aalisan na may lungkot at ngiti sa ating mga mukha.

Graduate na ako, TAYO! May TAYO dahil kasama ko kayo. Oo, masaya pero may lungkot dahil naaalala kong hindi ko na kayo makakasama araw-araw tulad ng DATI.

Yung parang kahapon lang pero matatawag ko ng DATI.

Sa araw na iyon, niyakap ko ang halos lahat sa inyo. Iyong iba, nagkapag-picture pa ako. I knew pictures fade in time but I don’t care! By that photo, I will see you are with me forever.

Paano ma-fe-fade ang pictures kung uploaded?

Naisip ko rin yan. Ngunit ang sagot ay narito rin, it will just fade when a better memory arrive across your road. When you get better than before. When perspectives of yours change. I hope there’s still a part of you that I knew which will stay the same until the time that I will meet you again, dear classmates.

Nakakakaba man ang naging simula natin, nakakatakot man dahil napakarami natin ngunit sa ating mga puso, tiyak na maaalala rin ninyo na may isang section kung saan kayo matatawag na ‘belong’.

Sana maalala ninyo na narito pa rin ang Soksay na nagmamahal sa inyo kahit na magkakalayo na tayo. We can be one kahit na magkakalayo. Sana’y matandaan natin ito.

Marami pa sana akong memories na maisasama rito ngunit limitado lang ang kayang gawin at magiging epekto ng salita. Hanggang sa muli!

Bon voyage. Adieu. Adios. Ave. Au revoir. Farewell.
Maligayang paglalayag sa lahat! Have a safe trip, graduates!

Isang #Soksay na nagmamahal…
Soksay 2013-2017


5 Launchers recommend this story
launchora_img
launchora_imgPies Reynold
4 years ago
Hello i am miss brenda i have private disscusion with you via at(piesbrenda106@gmail.com)
Okay ? did you email me?
More stories by Grace Silent
Blame me

Hi there, Ms. Perfect! You are very good at blaming other people.

00
Narratives of a Pushover

I am a pushover. I am glad I found someone to lean on no matter how hard I get pushed.

11
Lessons Learned by the Proud Scholar

Success can make a person arrogant. Stay humble.

00

Stay connected to your stories

Soksay 2013-2017: History in LSPU-SCC

231 Launches

Part of the Self-biography collection

Updated on September 13, 2021

Recommended By

(5)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.