Launchorasince 2014
← Stories

SPRATLYS


Ulan pagkalipas ng bahaghari.

Baliktad na ba talaga ang hari?

Hari, and ating mundong pag-aari.

Nakapagtatakang tunay,

-Ulan paglipas ng bahaghari.

Bomba matapos ng keso.

Nakabaliktad na rin ba ang puso?

Pusong noo'y binusog ng keso.

Nakasasakit nga'ng tunay,

-Bomba naman ang isusubo.

Magtatago pagkatapos magyabang?

Bumabaliktad na rin ba ang kalamnan ng bayan?

Bayang pinamamahayan ng mga gahaman.

Nakapanlulumong tunay,

-Nagtago matapos magyabang.

Dating kaibigan, ngayo'y kaaway.

Islang yaman ay panay,

siyang dulot ng awa.

Paano na lamang ang milyong buhay?

Buhay na nakasalalay sa gitna ng away.


Written: May 2, 2012

Para sa bayan