balik tayo sa panahong excited pa sa ulan.
natutuwa dahil akala mo sinusundan ka ng buwan.
umaawit sa tapat ng electric fan.
balik tayo sa panahong excited tayong maglaro ng habol-habulan
patintero, tumbang preso at tagu-taguan.
bumalik tayo sa panahon na uso pa ang teks, jolens, pogs at magic card
kasi dun, may iba't iba tayong kapangyarihan.
bumalik tayo sa panahong masarap pang maligo sa ulan;
naghahalong bughaw at abo sa itaas, habang umiiyak ang langit.
habang tayo'y naglalaro sa putik.
babalik ako sa nakaraan
kung saang bata ako, at ako ay buhay
babalik ako sa panahong excited akong magtampisaw ng tubig galing sa alulod ng bubong namin.
Kakalimutan ko ang masasakit;
gagawa ako ng mabuti.
ibabalik ko ang araw
at ang mga ngiti na biglang natunaw.
ibabalik ko ang nakaraan---
napatingin ako, wala na pala ang dati naming bahay.