Launchorasince 2014
← Stories

The Story that I never told you

We've been talking for hours.
Talking about things that matters to us.
Telling stories about ours,
Twelve minutes is just a minute for us.
But do you know what's inside of the girl you trust?

Marami tayong pinag-uusapan.
Trabaho at antok lang ang ating kalaban.
Kapag kausap kita, gusto ko wala nang hangganan.

Madali lang gumawa ng tula,
Hindi ba?
Pero yung feelings ko, parang sasabog na.
Di ko na kayang pigilan pa,
Dahil ako'y nahulog na.


Randam mo ba?
Bigyan mo naman ako ng talata.
O kahit manlang kataga.
Para alam ko kung ako'y mangangarap pa.

Boses mong ka'y tamis,
Ang kilig ko, hindi ko matiis.

Sa apat na oras nating paguusap,
Lalo akong nangagarap.

You've been spending your time for me who is just a trash.
Kaya ayon, ikaw na ang aking crush.
Ang damdamin ko, never mo pang crinash.
Basura ako sa paningin ko,
pero bakit kung tratuhin mo ako,
Parang ginto?

All your moves,

All your words,

Your care,

Is worth to fall for.

Blessed is the woman you will fall for.

In my mind, sana,.. ako.
Pero sino nga ba ako?
Itutuloy ko na lang ba ang pagsasarili ko sa nararamdaman kong ito?
Ewan ko,
Nasaang sitwasyon ba ako?
Kada umaga, boses mo ang panggising ko.
Sa nararamdaman ko, pwedeng ikaw din ang gumising dito?
Ayoko nang lumiko,
Dahil ikaw ang lalaking paulit-ulit na pinagdarasal ko.
Na parang nagkatotoo,
Hindi ko alam kung paano.
Sana'y wag nang mahinto.
Dahil isa lang ang alam ko,
Sa buhay kong ito,
Ikaw ang kasiyahan ko.