Launchorasince 2014
← Stories

TINDERa Story #1

Tinder, app ng mga sawi.

Doon kita nakilala.

Hindi ako umasa,

Pagkat forever ay hindi dun makukuha.

Sinubukan ko lang naman.

Swipe sa kanan,

Swipe sa kaliwa

Kahit minsan wala naman napapala.

Ding!-yan ang tunog kapag may ka-match.

Titignan, aalalahanin bakit napa-swipe right.

Ay, oo nga pala, interesting ang profile.

Sige, subukan i-chat baka naman ma-like.

Isang araw, dalawa, tatlo,

Tapos bigla ng lalayo.

Ganyan ang mga tao sa Tinder.

Kapag di na bet bigla ng magpa-flyover.

Ayun, iwan ka sa Crossing,

Waiting for another Ding!

Pero iba ka sa mga yun.

Yun ang akala ng aking isipan.

Mahaba-habang usapan.

Nakakatuwang kulitan.

Akala ko wala ring limutan.

Una, tayo'y nagkita.

Ikalawa, ako'y nakipagkita.

Hanggang sa wala ng ikatlo

Dahil ako sayong paningin ay natalo.

Bigla ka na lang naglaho.

Ano pa nga bang magagawa ko?

Maging masaya na lang para sayo.