launchora_img

Tiwalang Nawala

Info

"Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala." Iyan ang payo sa atin ni Kupido.

Kaya siguro.. namatay ang maliwanag na kulay na bumabalot sa ating puso.

Kaya siguro.. naputol ang pulang taling nakakabit sa ating mga pulso.

Kaya siguro.. huminto sa pag-ikot ang ating mundo.

Kasi ang tiwalang ilang taon nating binuo, nilukot mo. Kurot ang dulot nito sa aking puso't pagkatao.

Hindi ko alam na sa simpleng pagsabi niyang gusto ka niya ay madali na lang para sa'yo na sabihin sa akin na ayaw mo na.

Hindi ko alam na sa simpleng paghawak niya sa kamay mo ay madali na lang para sa'yo na bitawan ako.

Hindi ko alam na sa simpleng pag-ngiti niya ay madali na lang para sa'yo na paluhain ako.

Hindi ko alam kung paano niya pinalitan ng matatamis na mga salita ang puwang ko dyan sa puso mo.

Hindi ko alam kung paano niya napantayan ang taas ng pag-ibig ko sa'yo gayong hanggang sa kalawakan ay lagpas ito.

Ang bilis.

Ang sakit ay kasing talim ng tulis ng dulo ng lapis

Na ang sinusulat ay puro ating mga lihis

Kaya ika'y umalis.

Yung tiwala na naging salamin ng ating pag-ibig

Simula nang may tumingin na iba, nabasag bigla

Yung tiwala na naging apoy na nagbibigay lang sa atin ng tamang init

Simula nang may dumagdag na panggatong, biglang lumiyab

Tinupok

Hindi lang yung mga binitawan nating pangako, hindi lang yung mga alaala nating binuo, kundi pati ang mahigpit na tayo.

Yung tiwala na nagkaroon ng papel sa ating mga puso

Simula nang may humawak na iba

Nagusot

Nabasa at walang kahirap-hirap na sa isang iglap ito'y punit na

Sinungkit ko na ang mga bitwin at buwan, para manatili ka

Pinaikot ko na ang walong planeta, para ibalik ka

Nilangoy ko na ang amazon river, para yung pag-ibig mo sa'kin mas lumalim pa

Ang pinagbago? Wala

Napapagod na 'ko, sinta

Pero ayoko pang magpahinga.

Kasi patuloy ko pa ring pinanghahawakan ang sabi mong "mahal kita."

Diba ang laki kong tanga?

Kasi patuloy kong pinaniniwala ang aking sarili na tayo pa, kahit alam kong may siya ka na.

Patuloy ko pa ring sinasabi na kaya pa, kahit kitang-kita na ng mga lumuluha kong mata na wala na.

Patuloy ko pa ring kinikimkim na pwede pa, kahit no shit, sherlock wala ng pag-asa.

Yung pagkasira ng tiwala ang nag-tuldok sa pag-ibig nating tapos na.


Be the first to recommend this story!
launchora_img

Stay connected to your stories

Tiwalang Nawala

70 Launches

Part of the Love collection

Published on February 23, 2017

Recommended By

(0)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.