Are you sure you want to report this content?
Illustration by @_ximena.arias
Ang hirap simulan, gayundin ang pamimilian.
Tila isang bata na hindi mawari kung saan.
Saan ba pupunta, alin sa dalawa?
Desisyon na malabo pa kaysa sa mata.
Magandang oportunidad, iyan ang inilalahad.
Abot kamay, siguradong ibibigay.
Ngunit sa isip, kailanma'y hindi sumagi,
Sapagkat mithiin ng iba, ako'y walang pagnanasa.
Mabigat na responsibilidad,
Ihandang saluhin at may dignidad.
Pakiwari ba'y ikukulong,
ang sarili ng dahil sa pagtulong.
Samantala'y ibang bansa ang pinangarap,
Manirahan at kumayod doon ay aking hanap.
Bagama't mangangambang mapag-isa,
Ang nais ko lang ay mas makatulong sa pamilya.
Pangarap na sobrang hirap,
Pilit inaabot ngunit hindi sapat.
Buo ang kalooban na harapin ang pagsubok,
Ngunit dapat munang lakbayin ang kasalukuyang tuktok.
Dapat bang tanggapin ang oportunidad ng kasalukuyan,
Kahit kapalit nito'y kasiyahan at kalayaan?
O tanggihan para paghandaan ang kinabukasan,
upang pangarap ay makamtan ng buong kaligayahan?
10 Launches
Part of the Dreams collection
Updated on August 26, 2024
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.