Launchorasince 2014
← Stories

Untitled

Napagod nako

Magbilang ng araw kung kelan ka babalik sa piling ko

Maglakad ng paulit ulit sa daang dati'y tinahak natin pareho

Napagod nako
Magdasal na sana'y magmilagro;

Magmilagrong baka namiss mo rin ako

Baka nagsisi ka nung ika'y tumalikod sa ating pangako

kahit manlamang magtanong kung bakit ako sumuko lahat ng ito'y inantay ko,

hiniling ko sa kahit na anong bulalakaw na makita ko.

ngunit

napagod na ako.

hindi na ako yung taong laging maghihintay sayo

hindi na rin ako yung laging magsasabing pag bumalik e tatanggapin ko.

wala na rin yung taong minsan nagmakaawa sayo,

wala na ako. dahil napagod nako.

nandito parin ako ngunit hindi na para sayo

Bubuo ulit ng panibagong pangako kasama ang panibagong tao sa buhay ko

nandito parin ako at makikita mo

makikita mo sa mga mata ko na wala na

ang dating nagpakamartir sayo.

dahil napagod nako, itong huling sulat pasasalamat ang ihahandog ko.

Maraming salamat sa oras at pangakong sinayang mo,

salamat sa pagkakataon at sa taon na itinapon mo.

Maraming salamat, magpapahinga na ako.