Are you sure you want to report this content?
Mahirap pa lang mainlove sa bestfriend mo. Lalo na kung may mahal syang iba. unexpected love in unexpected time. pag nakaramdam ka ng pagmamahal ---nag-aalab na pagmamahal mahirap pala pigilan makapangyarihan nga pala ang pag-ibig hindi mo basta-basta mapipigilan ang lakas nito. masaya ka..gusto mo lagi sya kausap, kasama--makasama.
naalala ko pa nung una mo nya akong niyakap. di ko iyon inaasahan, although it is a friendly hug but it means a lot to me.
mahirap pala sabihin sa bestfriend mo na mahal mo na sya. Lalo na't may hinihintay syang ex na nasa abroad. ang makasarili kong hangarin ay sana hindi na sila magkabalikan pero dahil mahal ko sya itinago ko na lang ang aking naramdaman para bigyan ng pagkakataon na maayos ang nahinto nilang relasyon.
mahirap pero pipiliin ko ang magparaya. oo, maaaring makuha ko sya maging kami, maaari ring mahalin nya ako, ngunit walang kasiguraduhang magtatagal. ayoko malagay sa sitwasyon na ako yung kasama nya pero iba ang nasa puso't isip nya. mahirap magmahal ng taong di pa tapos magmahal ng iba. magiging mali kung ipaglalaban ko ang nararamdaman ko sa kabila ng paghihintay nya.
ayoko masaktan. ayoko din makasakit dahil lang sa gusto ko maging masaya. alam ko rin naman na umaasa pa rin sya na magkakaayos sila. kaya tama lang na manahimik ako at wag magulo sa love story nila.
Mahal ko si bhezt at gusto ko maging masaya sya sa taong gusto nya at mahal nya. How I wish ako na lang yun. Ganyan talaga ang buhay minsan kailangan mong isakripisyo ang sarili mong kaligayahan para sa ikakabuti ng iba.
Siguro may tamang pagmamahal na nakalaan para sa akin kailangan ko lang magtiwala at maghintay.
Sa ngayon hindi pa siguro ito ang tamang panahon para sa pag-ibig na inaasam-asam ko.
Handa akong maghintay, hanggang dumating ang araw na pwede nang maging ikaw at ako. at kwento na nating dalawa ang bukambibig ko.
30 Launches
Part of the Love collection
Updated on August 19, 2017
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.