"Minahal mo?"
Napatawa ako sa tanong niya, "Hindi ba halata?"
"Minahal ka?"
"Sobra" kaya nga hanggang ngayon hindi pa mawala yung sakit, kaya nga't hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong matulog sa gabi, at ayaw bumangon sa umaga.
"Hatid sundo niya ako sa hapon at umaga. Sabay pumasok sa skwela, sabay maglunch break, binilbihan niya ako ng pagkain 'pag recess at may pa-tsokolate araw-araw. Binibigyan niya ako ng rosas, at pinapaalala niya sakin araw-araw kung gaano ako kaganda sa paningin niya, kahit walang ahit yung kilay ko, kahit stress ako sa schoolworks at haggard na yung face ko, kahit walang lipstick at pulbo...
Kinakantahan niya rin ako ng mga paborito kong kanta para makatulog ako, niyayakap niya ako pag natatakot ako at walang palya kung magsabi siya sakin ng I love you...
Nandoon siya noong binahagi ko sa entablado ang unang piyesang sinulat ko, kabado ako noon, walang kumpyansa sa sarili at sa poetry ko, pero pinapaalala niya sakin na ako ang pinakamagaling at sabi niya maning mani ko daw yun...
Mahal siya ng magulang ko, at pinakilala niya na rin ako sa kanyang pamilya...
Lagi niya akong pinapatawa,
Lagi niya akong pinapasaya
Lagi siyang nandyan
Lagi niya rin akong hinahalikan"
Napatigil ako bigla, at bumuntong hininga
"Yun nga lang, may iba."