Kalawakan---
kalawakang tanaw natin lagi
na nagsisilbing tahanan ng pusong gaya ng atin ---
ligaw, naghahanap ng saya,
pagod, at nalulumbay sa pag-iisa.
Kalawakang nagsisilbing yakap sa malamig na gabi,
ang aking naging sandalan
noong ikaw ay naglisan,
Sandalan sunod sayo,
sandalan mula nang ikaw ay napalayo
Mahal, sadyang kay ganda nga ng kalawakan
gaya ng paulit-ulit mong sabi
ngunit ano nga ba ang panama nito
kumpara sa iyo?
Gayong wala kang kapara, nag-iisa ka,
bukod tangi sa lahat
at ang aking pinakatinatangi
Ang mga tala, kumikinang, kumikislap,
ang buwan, tunay na kaakit-akit
Ngunit mahal, mas pipiliin ko pa ring malunod sa iyong mga mata,
sa malagkit mong titig, at matangay sa kalawakang dala dala mo lagi
Yun ang tunay na mas kaakit-akit.
Ang kalawakan---
ang kalawakang nagsilbing kanlungan ng hindi mapigilan,
ng pusong laging hinahanap ka,
lumipas man ang mga taon, ay hindi magbabago,
hindi mawawala --- ikaw at ikaw pa rin,
at kailanmanma'y hindi na mag-iiba
"Bakit nga ba?" tanong ko sa kalawakan,
kalawakang minsang naging saksi ng pag-ibig na inalay mo't ibinuhos ko
Bakit nga ba napalayo ka gayong mahigpit ang aking pagkapit?
Aking mahal, hindi ko mawari
kung bakit ikaw ay kailangang mapawalay
gayong handa naman akong hawakan ka habang buhay
Kalawakan--
Kalawakang tanaw ko't tanaw mo,
nalulumbay ka rin nga ba moong nawala ako?
O ako lang tong parang tanga na di mapigilan ang maging pangarap ka?
Gayunpaman, mahal ko,
Pakiusap, hayaan mo ako,
ang mahalin ka ng patago,
ang maghintay sa muli nating pagtatagpo
Sapagkat sa ilalim ng kalawakan,
ay matagal na akong nangako,
yaring puso ay hindi ibibigay, kung hindi lang rin sa iyo
ang kang tungo.