PARA SA TAONG NASALANTA NG BAGYONG PAG-IBIG
Hindi ko maipapangako na magiging madali,
ang lumayo sa'yo ng paunti-unti
Hindi ko alam kung paano nangyari
na paggising ko sa umaga,
hindi na ako—
hindi na ako ang mahal mo.
Na sa isang iglap,
ako na lang ang mag-isang
bumabayo sa lugar na
hindi ko alam kung saan
ang patutunguhan
Na ang dahilan ng ating pagkalunod
ay ang sunod-sunod na pagtulo
ng aking mga luha
At ang paghampas ng
alon sa dagat
ang dahilan kung bakit
paunti-unti,
tila naligaw ng landas
ang minsan ng puso
nating iisa
Na ang tunog na dala
ng kulog at kidlat
ay tila musika
Hindi ko maipapangako na magiging madali,
ang limutin ka ng tuluyan,
Hindi ko alam kung saan sisimulan,
na sa sobrang daming hakbang
hindi ko alam—
hindi ko alam na ito'y magiging mahirap
Pero isa lang ang masisiguro ko,
nasalanta man ako ng bagyong
dala mo,
Pangako,
Aahon ako.
Hindi man madali.
Mukha mang imposible,
Pero siguro...ganun ngang talaga...
Na kung bakit sa dinami-daming tao,
tayo pa ang pilit na pinaglayo ng mundo.