launchora_img

Tatay

Info

Itay, bakit nga ba kita naiulat?
Siguro maraming magugulat kung ikaw ay isa sa aking mga naisulat.
Diko na kailangan introhan kasi akoy isa lamang baguhan sa ganitong larangan gusto ko lang naman n ikaw ay maparangalan sa pamamagitan ng tulaan at sulatan ang lalaki na nag turo sa akin kung paano makipag laban at makipag kaibigan
Gusto ko lang simulan ang aking nakaraan kasama ang lalaking sinusundan ko sa daanan
Sa daan na marami akong natutunan
Sa daan na puro kalokohan,tawanan at asaran
Sa daan na hindi ko alam na kami pala ay gumagawa ng mga kahihiyan
Kahihiyan na diko alintana sapagkat akoy isang musmos pa lamang at baguhan sa ganoong galawan at puntahan
Ang sarap balikan ng nakaraan, nakaraan na buo pa ang pamilya na nagmamahalan at nagtutulungan sa nga bayarin
Kahit ganon, maraming bangayan at tampuhan ay hindi naman mag iiwanan

Binalikan ko ang mga pangyayari sa nakaaran na kung saan si Tatay ay laging masaya at may pinaghuhugutan ng kalakasan
Kalakasan na nagsisilbing sandata at lakas sa tuwing nasa kalagitnaan ng labanan sa daanan

Ang aking ama ay isang tSUPER Tatay
Tatay na pagkagaling sa trabaho ay hindi magrereklamo
Tatay na kahit pagod na eh hindiag iiba ang trato
Tatay na pagkagaling sa tagay suka sa bahay
Tatay na pagkagaling sa inuman manghahamon ng suntakan sa daanan
Tatay na pagkagaling sa trabaho ang mga sinasab di nag babago (Walang kita, walang pasahero)
Tatay na pagkagaling sa sabungan pag nanaloy hanap ng mga bagong kainuman
Tatay na pagkatapos kumain nawawala na na parang hangin
Tatay na pag humingi ka ng pera bibigyan kapa ng mura
Tatay na laging galit kapag ikaw ay nangungupet
Tatay na kasama ko sa kasiyahan at sa kalokohan hanggang sa mamulat ang aking isipan
Tatay na nagturo sa akin na masama ang magnakaw
Tatay na nagsasabi sa akin na hwag akong matakot sa kamatayan
Mga pangyayaring nagaganap kapag ikaw ay lango na sa alak
Subalit marami kaparing iniwan saming mga alaala na magsisilbi rin naming sandata.

Ikaw kasi rin yung Tatay na masayahin 😭
Tatay na maalalahanin  😭
Tatay na mapag bigay 😭
Tatay na mapagmaha 😭
Tatay na mabait 😭
Tatay na madiskarte 😭
Tatay na hindi maarte 😭

Akin lang binalikan ang mga kalokohan at mga bagay na aming pinagsamahan nang siya ay kasama pa namin sa tahanan 😭😭
Maari nyo rin siyang husgahan, subalit para sakin ay dapat ko lang siyang parangalan
Dahil sa mga sakripisyo niyang ginawa sa pamilya namin at tahanan.

Nakakalungkot lang din alalahanin na nung siya pa ay nabubuhay halos itakwil kona siya sa aking murang kaisipan, subalit lumipas ang kasalukuyan at sya ay inaalala at naaalala nalang sa nakaraan nakakalungkot palang mawalan ng isang tatay!! 😭😭😭
Isang tatay na hindi ko manlang nasabihan na mahal kita 😭😭😭
Isang tatay na malaki ang nagawa sa aming pamilya 😭😭😭
Nakaka miss na nakakainis! Dahil hindi ko sya nakasama ng mas mahaba pa
Nakakalungkot at nakakabagot dahil nakikitatay nalang ako sa mga tatay ng iba
Nakakahinayang na hindi niya nagamit ng maayos ang buhay na pinahiram sa kanya
Buhay na kinain ng sistema kaya wala na sya

Ngunit sa kabila ng mga pangyayaring nagdaan ay mas napag tanto ko na siya pala talaga ay aking kailangan mula sa noon at hanggang sa ngayon at sa kasalukuyan pa
Maaari akong makahanap ng mga kaibigan sa ibat ibang lugar at panahon subalit hindi ako makakahanap ng tatay na makakasama ko sa bawat panahon, pagkakataon at taon na darating pa sa aking buhay.
Kaya ako ay babalik na sa oras kung saan ay tanggap kona na ikaw ay isa nalamang alaala

Marami man tayong kalokohan na nagawa
Marami man tayong pagkukulang na nagawa
Marami man tayong pagkakamaling nagawa
Marami man tayong pagkakataong nawala
Marami man tayong perang nasayang
Sinayang sa mga panandaliang kasiyahan na magdadala pa sa atin sa kapahamakan at kamatayan ay mas marami parin yung mga panahon at sitwasyon na pinasaya, minahal at ikaw ang aming naging tagapag-alaga

At sa nalalabi ko pang panahon at oras sa mundong ito ay palagi kong dala dala ang mga mabubuti mong pamana.
Hindi na ko susunod sayo sa daan, dahil nakilala kona kung sino ang daan ☝️🙏
Kaya kung nasan kaman TAY malaya ka sanang nakahimay sa piling ng Panginoong May Kapal.

Diko man nasabi sayo nung ikaw pa'y nabubuhay?
Ngayon ay inaamin ko na ikaw ang aking idolo at nag iisang TATAY sa aking buhay.
Dimo man narinig sa akin ang salitang mahal kita, ngunit palagi ko naman itong inaalala at ipapaalala sa aking sarili na minamahal kita.

Pasensya na kung dikita napahalahagahan nung ikaw ay buhay pa
Patawad kung hindi ko igunugol sayo ang oras ko nung ikaw ay nandito pa at nanghihina na
Sorry kung wala akong nagawa para pagilan ang pagkawala mo
Ilan lang to sa mga nagawa kong pagkukulang sayo nung ikaw ay buhay pa
kaya ito ang masasabi ko, masaya ako dahil ikaw ang naging TATAY ko
Sobrang salamat sa mga nagawa mo
Sobrang salamat sa lahat ng naituro mo
Sobrang salamat sa pagmamahal mo
Sorbang salamat kasi ikaw naging tatay ko.
Sobrang salamat TAY sa lahat lahat diko na iisa isahin pa.
Mahal na mahal kita kahit wala kana.
Hanggang sa muli aking Ama sanay makasama ulit kita
Kasi miss na miss na rin kita.

Sana maaari nating balikan ang nakaraan,
pihitin ang orasan,
pigilan ang nakalaan,
upang baguhin ang mga iwanan at sakitan pang magdaraan upang kalungkutan ay hindi na maranasan

PAALAM. 😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭


2 Launchers recommend this story
launchora_img
launchora_imgLala Lavender
3 years ago
?♥️♥️♥️
More stories by Layjohn
Untitled

Nakakamiss lang kasi.

11
Ka Ibigan

IDN ?

11
Ina

Salamat Inay ???

21

Stay connected to your stories

Tatay

30 Launches

Part of the Happenings collection

Updated on March 14, 2021

Recommended By

(2)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.