Launchorasince 2014
← Stories

"kaya pa ba?"

Kaya pa ba? kaya pa ba?

mga tanong na sumasagi sa aking isipan tuwing gabi

Kaya pa ba? kaya pa ba?

mga tanong na gustong tanungin

kaya pa ba? Kaya pa ba?

kaya pa bang isalba ang TAYO,  kahit ako'y pagod na pagod ng isalba ang TAYO

Kaya pa ba? kaya pa ba?

kaya mo pa bang tiisin? ang naghihirap na ako? 

Kaya pa ba? kaya pa ba?

ayokong ma-pako ang mga pangakong sinabi mo

mahal na mahal kita, kaya kung puwede huwag mong iisiping sayo ako'y nakalimot na dahil sa totoo lang nag hihintay akong bumalik ang dating tayo, dating tayo na masigla, dating tayo na masaya, dating tayo na walang halong pagdududa, dating tayo na malaya, dating tayo na nasa landas, dating tayo na ikaw ang ilaw at ako ang dilim, dating tayo na ikaw ang bunyag at ako ang lihim, dating tayo na ikaw ang tuwa at ikaw ang luha, pero bakit parang ikaw ang luha at ako rin ang luha?

pero hindi ko alam kung may maibibigay ka nga ba sa akin o sadyang umaasa lang ako sa salitang tayo

tayo na ako lamang ang nakakaalam at hindi mo alam ang aking inaasam, kaya kitang ipaglaban kanino man

kaya kong isalba ang dating tayo pero sana tulungan mo naman ako kasi ayoko ng balikan ang dating ako

pero ang tanong kaya mo rin ba akong ipaglaban?

sa larong ito dalawa lamang ang iyong pagpipilian "talo o tayo"

ayoko tumungo sa puntong nababaliw sa kakaisip kung ano ang itatanong

ayoko bumalik sa tanong na kaya pa ba? kaya pa ba?




 


Your work is your legacy.
Protect it with NAK-ID.

Free to start. Takes two minutes. Lasts forever.

Start for Free →

Free account · No credit card required