A - Aangkinin kita tulad ng pag-angkin ng dilim sa liwanag
tuwing dapit hapon. Aangkinin ka taliwas sa
katotohanang ako'y isang makatang nakatali sa tanikala
ng iyong talinghaga.
Ba - Babalik at babalik sayo pilit mang ipaglayo ng tadhana.
Sisisirin ang karagatan na pinuno ng iyong mga luha.
Ka - Kakalimutan ang pait, ang panlalamig ng dating
nagbabaga at ang mga luha na kasabay ng iyong mga
halik sa umaga.
at pang huli...
Da - Dadalaw - dalawin ang mga ala - ala na minsay
pinagsaluhan pa. Mga ala - alang nagpaluha sa
mapupungay mong mga mata. Iligaw man ng tadhana
sa patuloy na pagdalaw sayo. Gagawa ng daan na
tanging ang puso'y nakakaalam nito.
- Mcky Grl Batang may laban💕
P.S - na inspire ako sa A Ba Ka Da ng Tunay na Pag-ibig.