Lumalabo ang aking paningin
Nakatitig sa iyong mga matang hindi sa akin nakatingin
Natutulala
Gusto kong magwala, mawala
Mga mata mo na ang nagsasabing
ika’y bibitaw na sa akin
Tumutulo aking mga luha
Pero wala ka mang ginawa
Palayo akong tumakbo’t hindi ko na kinaya
Ngunit ako’y huminto, tumingin sa pinanggalingan -
Nagbabasakaling nandun ka pa
Pero wala,
Ika’y umalis din
Na parang walang awa
Iniwan mo akong mag-isa
Sa lugar na dapat kasama kita
Binabalik ang mga ala-ala
Mga araw noong tayo pa ay masaya
Tumatawa
Kahit sa gitna ng mga problema
Ang tamis ng umaga
Hanggat sa hapon ikaw pa din ang kasama
Mga gabing higpit mo akong niyayakap
Lahat ng ito’y aking hinahanap
Ngunit di na ako umasa
Noong nakita kong may kasama ka nang iba
Masaya ka sa kanyang piling
Kasiyahan mo lang naman ang aking hiling