Kung ako'y maglalakbay
ang usad ay mabagal
Biglang mauunahan
sya'y hindi na susundan
Ngunit kung maglalakbay
may usad na mabagal
Di pa rin malagpasan
magpatuloy sa daan
Di pwedeng mahigitan
nais ay mangibabaw
Mali man kung pakinggan
ang gusto ko'y ako lang.
Kung magiging bituin
na labis ang pagningning
At ito'y aagawin
di na muling titingin
Ngunit kung may dumating
na di kapansin-pansin
Ako ay magniningning
at sila'y sisilawin
Di pwedeng mahigitan
nais ay mangibabaw
Mali man kung pakinggan
ang gusto ko'y ako lang.
Kung ako'y malamangan
di na lamang lalaban
Kung sila'y maangatan
patuloy na lulutang
Di pwedeng mahigitan
nais ay mangibabaw
Mali man kung pakinggan
ang gusto ko'y ako lang.