Launchorasince 2014
← Stories

Ako'y Namulat Na

Dumating ka sa buhay ko na hindi ko inaasahan

Minahal mo ako ngunit hindi ko nasuklian

Tingin ko na alam mo rin kung ano ang dahilan

Patawad lang talaga

Hindi ko nagawang ipaglaban ka

At ngayo'y nanghihinayang na

Sadyang nangungulila na sa iyo sinta

Pilitin ko man na kalimutan ka

Aaminin ko na hindi ko kaya

Dahil totoong mahal na kita

Sa tagal ng panahon na wala ng pagkikita

Laman ng puso mo ay ako pa rin ba?

Pero kung hindi man, puso mo'y hindi ko masisisi

Dahil ipinagdamot ko sa iyo ang pag-ibig mong minimithi

Pero ngayo'y naaalala ka

Sadyang lumuluha aking mga mata

Nananabik na makausap ka

Parang ang puso ko ay nangangamba

Baka ikaw ay may iba nang sinisinta

Sa kabila ng isang pagkakamaling nagawa ko

Naisip mo pa rin ba na bumalik sa buhay ko?

Sana'y oo. Dahil handa na akong ibigay ang pagmamahal na nararapat lamang sayo

At ngayo'y ako'y namulat na

Sa katotohanang ikaw ay mahalaga pala

Sana'y pagbigyan na ng tadhana

Ang hiling na pagtagpuin na ulit tayong dalawa

Dahil ako'y namulat na