Sumusulyap
Nagagandahan
Napapatulala saglit
Nakakaramdam
Lahat nanggigising sayo pero hindi nang dahil sa akin
Tumitingin
Mayroong kislap sa mga mata
Ngumingiti
Parang nasa langit na anghel ang nakikita
Lahat nagagawa mo pero hindi nang dahil sa akin
Tumitibok
Sinusubukang pigilan
Tanggap ang pagkatalo
Isipan ay isang magandang gulo
Lahat nararanasan mk pero hindi nang dahil sa akin
Nagbabalak
Lihim na pagtingin ay ipagtapat
Nagagalak
Marinig ang matamis na oo na gustong ipagkalat
Lahat gustong mangyari pero hindi nang dahil sa akin
Malalambing na mga salita
Napaparamdam ang musika ng puso
Isang pulang rosas
Hatid ay isang matingkad na ngiti sa isang segundo
Lahat nangyayari matapos ang mahabang pagsuyo
Tuwing nagkakasama
Bawat hakbang ay nakakapagpagaan ng loob
Napapakinggan ang mga tawang nakakapagpawala ng pagod at lungkot
Lahat nasasaksihan mo na hindi ako ang nasa tabi mo
Mga kamay na nagkakadikitan
Tipong hawak na ayaw nang magkalayo
Labi ng isa't-isa'y nagkakalapitan
Mga hiningang nag-aalay ng pangako
Lahat nangyayari na hindi ako ang kasama mo