launchora_img

Althea, The Battered Wife

Info

Isang malakas na sampal ang tila nagpabalik sa akin sa katotohanan mula sa isang napakagandang panaginip, ang mga nanlilisik na mata ng aking asawa ang nabungaran ko sa aking paggising , lasing nanaman siya kaya handang handa nanaman ang mga kamao niya sa gsgawin niyang pananakit sa akin. Napapikit na lamang ako ng tumaas ang isang kamay niya, inaasahan ko na ang malalakas na sampal na muli niyang ipagkakaloob sa akin kaya naman awtomatikong yumakap ang aking mga kamay sa aking sinapupunan, ngunit imbes na sampal ay hinablot niya ang aking buhok saka ako hinila pababa sa kama, halos madapa ako dahil na rin sa bilis ng paglalakad niya, hindi ko malaman kung ani ang hahawakan ko, ang nasasaktan kong ulo o ang maumbok ko nang tiyan.

Sa kusina niya ako dinala, pabalya niyang binitawan ang pagkakahawak sa aking ulo saka ako itinulak sa tapat ng kalan.

"P*tang ina! Pagod na pagod ako sa opisina at umaasa na may nakahanda ng pagkain sa hapag pero ano ang nadatnan ko? Ni hindi ka man lang nagsaing babae ka! Mas inuna mo pa ang matulog!!!" Gigil na sigaw niya sa akin kaya naman napatingin ako sa wall clock 8:30 na pala ng gabi, napasarap ang tulog ko!

"P-pasensya ka na, magluluto na ako. M-maligo ka muna hhabang inihahanda ko ang pagkain m-mo" nangangatog na ang buong katawan ko dahil sa pinaghalong takot at sakit ng mga kalamnan.

"Siguraduhin mo lang na nakahanda na ang pagkain ko mamaya pagbaba ko dito kung hindi malilintikan ka sakin babae ka!" Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lamang saka mabilis na kumilos kahit na masakit pa ang buong katawan ko dahil sa ginawa niya sa aking pananakit kahapon at ngayong gabi. Agad kong nagsalang sa rice cooker ng sinaing saka ko naman hinarap ang pagluluto ng ulam, ilalaga ko na lamang ang manok na nakita ko sa ref tutal paborito naman ito ni Warren.

Maya't maya ang ginagawa kong pagtingin sa walk clock, mabuti na lamang at may katagalan sa paliligo ang asawa ko, nagbababad pa kasi iyon para marelax ang katawan niya. Hindi rin naman kasi biro ang minana niyang posisyon maula ng mamatay ang biyenan kong lalaki dahil sa heart attack, dahil sa "nagawa" ko raw na kasalanan at kahihiyan sa kanilang pamilya.

"Hindi ba't ang sabi ko ay dapat nakahanda na ang hapag pagkababa ko?!" Halos mabitawan ko ang hawak hawak kong soup bowl dahil pagsigaw niya.

"I-ito na" mahilis pa sa alas kuwatro kong ibinaba ang bowl na naglalaman ng ulam sunod naman akong kumuha ng kanin saka agad iyong inilagay sa mesa. Napansin kong inilapit niya ang ulam saka kumuha ng konting sabaw pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagbato niya sa akin ng maliit na bowl na may laman pang mainit na sabaw, napahiyaw ako sa sakit gawa ng pagtama sa akin ng babasaging bowl at sa sobrang init ng laman nito. Sa totoo lang ay naiiyak na ako pero hindi ko iyon gagawin sa harap ni Warren dahil lali lamang siyang matutuwa kapag nakikita niyang uniiyak ako sa harap niya, kaya kahit matindi na ang pananakit ng balat ko na natapunan ng mainit na sabaw ay pinilit io pa ring pigilin ang mga luhang nais magsialpas sa aking mga mata.

"Ginagalit mo talaga ako? B*llsh*t! Walang lasa yang inihain ko sa akin!" Napapikit na lang ako sa narinig kong iyon, dahil sa pagmamadali ko kanina ay hindi ko natimplahan yung ulam,.

"S-sandali lang, aayusin ko lang. Wag ka ng u-umalis diyan" pigil ko sa kanya na makita kong tatayo nanaman siya, baka kasi umalis nanaman siya bahay at ilang araw nanamang hindi uuwi. Tanga na kung tanga pero hindi ko maiwasang malungkot kapag hindi ko nakikita ang asawa ko, kahit na alam kong may inuuwian siyang babae.

Agad ko ng binuksan ang kalan saka kumuha ng asin at konting paminta yun lang ang inilalagay ko sa nga pagkaing inihahanda ko para sa kanya, ayaw niya ng may iba pang inilalagay sa pagkain tulad ng msg.

nung minsan ay nawaglit sa isip ko at nalagyan ko ng vetsin ang iniluto kong ulam ay katakut takot na pambabatok at hampas sa braso ang ang inabot ko mula sa kanya kaya naman mula nung araw na iyon ay tinanggal ko iyon sa kusina.

Hindi naman ako nagtagal sa ginagawa ko, kabisado ko na ang panlasa ng asawa ko, kumuha muli ako ng ulam saka dahan dahang inilapag iyon sa mesa, pero hindi ito kumilos. Alam ko kung ano ang gusto niyang gawin ko, ang pagsilbihan siya, ipinagsandok ko siya ng kanin saka ulam, pagkatapos ay sinalinan ko ng tubig ang isang baso at ang isa naman ay juice, kahit na mahapdi na ang paso ko ay patuloy pa rin ako sa pag aasikaso sa kanya. Tila ba ako isang katulong dito sa bahay na ito, bahay na kung saan kami magkasamang nangarap na bumuo ng isang masaya at malaking pamilya pero mukhang malabo nang mangyari iyon lalo na at sarado na ang isip ng aking asawa sa kung anu mang pagpapaliwanag ang nais kong sabihin sa kanya.

Nakalulungkot lang, tila isang bulang naglaho ang limang taon naming pagsasama dahil lamang sa kasinungalingan ng ilang tao, kasinungalingang mas pinili niyang paniwalaan kaysa sa akin na asawa niya.

"Lumayo ka sa akin, sa susunod wag kang magsusuot ng mga ganyang damit, lalo lang lumalaki ang galit ko sayo, slut!" Gusto ko ng tumakbo sa guestroom kung saan ako natutulog, kinikilabutan ako sa talim ng tingin na ibinigay ni Warren sa umbok ko ng tiyan, isang medyo hapit na sando at short lang kasi ang suot ko, kaya naman halata na ang magtatatlong buwan ko ng tiyan, kahit na anong pilit ko na siya ang ama ng pinagbubuntis ko ay matigas ang paniniwala niya na ibang lalaki ang dapat na managot sa bata.

" W-wala na k-kasi akong maluwag na damit..." nakayuko kong sabi sa kanya.

"Hindi ko na problena yun, at kung pinahihiwatig mo na kailangan mo ng bumili ng nga bagong gamit, wala akong pakialam sayo o dyan sa anak mo sa labas, hindi ka pwedeng lumabas ng bahay."

"H-hindi lang naman iyon Warren, magpapa check up din kasi ako." Nilakasan ko na ang loob ko, isang beses pa lang kasi ako nakapunta sa Doktor, hindi ko na alam kung maayos ba ang lagay ng baby ko sa tiyan ko lalo na sa ginagawang pananakit sa akin ni Warren.

"San ka kukuha ng pambayad sa doktor? Sa akin? Kapal talaga ng mukha mong babae ka! Hinding hindi ako maglalabas ng pera para sa mga taong naging dahilan kung bakit namatay ang Papa ko tandaan mo yan" Kung nakamamatay lang amg tingin ay kanina pa ako tumumba sa kinatatayuan ko, pinagpatuloy niya ang pagkain matapos niya akong pagsalitaan ng ganoon .

"Aakyat muna ako, iwan mo na lang diyan ang pinagkainan mo, huhugasan ko na lang mamaya."

"Sige layas! Nawawalan ako ng gana sa pagmumukha mo eh!"

Hindi na ako sumagot pa dahil baka mag init nanaman ang ulo niya at pagbuhatan nanaman ako ng kamay, nagmamadali akong umakyat sa guestroom dahil naninikip na ang dibdib ko, gusto ko ng umiyak para man lang mabawasan kahit papaano ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya tungkol sa akin pero ang mas nakapagpabigat ng loob ko ay ang lantaran niyang disgusto sa batang dinadala ko ngayon, ilang beses ko ng sinabi sa kanya na aiya lang ang lalaki sa buong buhay ko, pero sa paniniwala niya ay nagsisinungaling lamang ako.

Iniyak ko lamang ng iniyak ang lahat ng sakit na naratamdaman ko, sadya kong isinubsob ang aking mukha sa unan para hindi marinig ni Warren ang pagtangis ko.

Pinalipas ko muna ang isang oras bago ako bumaba uli para sana maghapunan, tiyak ko ng nasa silid na si Warren at nagpapahinga na pero namlumo ako ng Wala akong nadatnang kanin at ulam, sa kusina.

Tinapon nanaman niya ang sobrang pagkain, nakita ko iyon sa basurahan, sa tuwing mauuna siyang kumain ay ganoon ang ginagawa niya, kaya naman madalas ay nakakatulugan ko na lamang ang gutom, hindi na rin kami nadadaan sa grocery, ang Mama niya ang nagdadala ng supplies namin dito, hindi man siya nagpapakita ng kahit na anong emosyon sa akin ay alam kong sinisisi niya rin ako sa pagkamatay ng asawa, kaya hanggat maaari ay dumidistansya din ako.

Ipinikit ko sandali ang aking mga mata para pigilan ang mga luhang nagbabantang kumawala sa mga ito, nahihirapan na ako sa sitwasyon ko, gustuhin ko mang umalis ay hindi ko magawa dahil wala naman akong ibang mapupuntahan, nasa probinsya ang mga magulang at nakatatanda kong kapatid, ayoko na ring maging alalahanin pa sa kanila, tiyak naman akong maganda na kahit papaano ang pamumuhay nila doon, ibinigay ko kasi lahat ng naipon ko mula sa pagtatrabaho sa isang restaurant noong ikinasal kami ni Warren, nakapagpundar na si Nanay ng maliit na kainan sa bayan at si Tatay naman ay patuloy pa rin sa pagsasaka sa lupang minana niya sa lolo at lola ko.

Napahawak ako sa aking tiyan ng maramdaman ko ang pagkalam nito, wala na rin kasing stock ng kga biscuit o kung anu pa mang makakaib sa mga cabinet. Bukas pa ang punta dito ng Mama bi Warren kaya bukas pa ito magkakalaman.

Wala na akong choice, kung hindi ito gagawin ay baka manghina ako ng tuluyan, at lalo pang mapahamak ang baby ko. Dahan dahan ang ginawa kong paglapit sa basurahan kung saan itinapon ni Warren ang mga sobrang pagkain. Pikit mata akong kumuha doon at dali dali kong isinubo, hindi na ako nag abala pa na kumuha pa ng mga kubyertos, ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang malamnan ang kumakalam ko ng sikmura.

Limang subo lang ang ginawa ko, tama na siguro iyon para mapanatili ng katawan ko ang tumayo. Agad akong naghugas ng kamay saka ko hinarap ang mga pinggan at basong iniwan ni Warren sa lababo nang mtapos ako doon ay patakbo akong umakyat sa silid na inuukopa ko at dumiretso ako sa cr para magsipilyo.

Nasusuka ako sa ginawa ko, pero wala naman akong ibang maaring gawin kundi iyon, hindi ako maaaring lumabas ng bahay para bumili ng makakain pag ginawa ko iyon ay malamang na masasaktan nanaman ako, may mga cctv na ipinakabit si Warren sa halos lahat ng sulok ng bahay, saka wala rin naman akong pambili, mula kasi ng ikasal kami ay si Warren na ang nagbibigay sa akin ng panggastos natigil lamang iyon ilang buwan pa lamang ang nakakalipas.

Nang matapos ako sa pagsisilpilyo ay nagshower lang ako sandali at nilagyan ng ointment ang balat ko na tinamaan ng mainit na sabaw kanina. Pansin ko ang unti unting pagbagsak ng aking timbang, ang mga pasa sa iba't ibang parte ng katawan ko ay halata pa rin hindi na nga ako nawalan nito dahil sa araw-araw na pananakitsa akin ng asawa ko.

Napabuntong hininga na lamang ako habang hinahaplos ang mga braso ko, napapagod na ako, pero hindi ko kayang iwan si Warren, mahala na mahal ko ang asawa ko, kung kinakailangang maranasan ko ito hanggang sa huling sandali ng buhay ko para lamang maniwala siya sa akin ay gagawin ko. Isa pa, nag-aalala ako sa kanya, walang mag-aasikaso sa kanya kapag umalis ako.

Dahan dahan ko ng inilapat ang likod ko sa malambot na kama, gusto ko nang magpahinga, dahil bukas ay tiyak na may panibago nanamang pananakit akong matatanggap mula sa kamay ng aking asawa.


94 Launchers recommend this story
launchora_img
launchora_imgpaul vikram
2 years ago
Very good https://get-mobdro.com/home/
An engaging story and thought provoking story. This had been done well considering your first story. Keep it up!
launchora_imgpaul vikram
2 years ago
Very good... mx player
launchora_imgvijaylal paul
2 years ago
Awesome..
launchora_imgAssylanna Torre
2 years ago
next chapter please
See More

Stay connected to your stories

Althea, The Battered Wife

4935 Launches

Part of the Modern Romance collection

Updated on January 27, 2017

Recommended By

(94)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.