Launchorasince 2014
← Stories

Ang Aking Kaligayahan

Minsan, habang naghuhugas ako ng plato, tas bubungangaan ako ni mama dahil lang sa maliit na bagay, napapaisip ako "Masaya ba talaga ako?" kasi pag sa school, sinusubukan ko pasayahin yung mga kaklase kong nalulungkot, tas minsan naiisip ko, bat ako, nahihirapan ako, bat ako na lang lagi yung nagpapasaya, tas maya maya maiisip ko sila Trisha, sila Cess, tas ngingiti ako konti. Pero minsan, kulang pa rin talaga. tas pagkatapos ko maghugas, magwawalis naman ako ng sahig, tas mapapaisip ako "Kuntento ba talaga ako?" Kuntento ba ako araw araw na ganito. Puro gawaing bahay, puro sermon ni mama, sinusubukan ko naman eh. Sinusubukan ko mag aral ulit, magpakabait. Pero. Ang hirap eh. Tas pagtapos ko magwalis, magmomop na ko ng sahig, tas habang nagmomop ako ng sahig, may kumakagat sa binti ko, pagtingin ko, sila lucy and pangsie (dogs ko) tas hahawakan ko sila, then dun ka marerealize... Masaya pala ako. Masaya ako kasi nandyan sila pag wala akong makausap. Nandyan sila pag inaaway ako ni mama. Nandyan sila palagi. ❤