Launchorasince 2014
← Stories

Ang Aklat ng Tayo

Akala ko hindi magiging makabuluhan ng pagbasa ko.

Sa balat ng aklat nakita ko ang malungkot na guhit nito.

Pero hindi ako yung nauumay na lamang bigla

Kaya't itutuloy ko na ang pagbasa

Sinimulan ko na sa umpisa kung saan dapat magsimula

Nagsimula ang kwento sa ating pagkakakilala

Biglang gumuhit ngiti sa aking mga labi

Hindi ko alam na ito pala ay nangyari

Sa pagkakakilanlan nating dalawa

Puso ko ay bigla na lamang sumigla

Hindi ko na alam ano itong nadarama

Tila ba ngayon ko lamang naramdaman

Ang kasayahang matagal ng inaasam

Kung ano ang lungkot ng guhit sa pabalat

O kahit man sa kanyang pamagat

Ang saya naman ay nasa mga pahina ng aklat

Ang sayang basahin ng mga nilalaman nito

Naroon ang alaala ng ikaw at ako

Ang mga masasayang alaala

Unti-unting nabubuo sa pagitnang pahina

Naroon ang mga binitawang salita

Nakasulat sa aklat ng patalata

Ang sarap naman nitong basahin

Mga salita't pangako ay makapintig damdamin

Na sa akin ay walang pagsisinungaling

Pero bakit numinipis na

Mga pahina ay nauubos na

Ang aklat na ito'y matatapos ko na

Ang bilis naman pala

Natatakot ako na itutuloy ko pa

Pagbabasa sa mga pahina

Hindi ko kasi alam kung masakit ba o masaya

Pero lalakasan ko na ang loob ko

Handa akong tapusin ito hanggang dulo

Kahit tumutulo na ang mga luha ko

Sumisikip na ang damdamin ko

At binabasa ko nga ang mga pahuling nilalaman

Lahat ng ating mga pinagdaanan

Nabasa ko kung paano tayong dalawa lumaban

Kung paano tayo ay nagtulungan

Sa mga problema nating pinagdadaanan

Akala ko magtatagal ang ating pagsasama

Pero iilan na lamang ang mga pahina

At sa mga huli kong pagbasa

Nabasa ko na unti-unti ka ng sumusuko

Kahit pala anong paglaban ko sa ating relasyon

Aabot pala talaga ito hanggang sa dulo

Sa dulo kung saan matatapos ang lahat ng ito

Matatapos ang lahat ng pinaghirapang basahin

Matatapos sa mga hindi inaasahang pangyayari

Kung saan ang guhit sa pabalat na talaga ang nagsasabi

Na ang lungkot sa huli ay hindi maipapasantabi

Dahil pagdating ko sa huli

Naroon ang pagbitaw mo sa hawak nating tali

Lahat ng pangako ay nabali

Natapos ko ito na puno ng luha't pighati.