Launchorasince 2014
← Stories

Ang Hamon Para Kay Kamatayan

Sa pagtulog ko, ika’y bangungot; 
Kahit saang sulok, ika’y nananakot;
Sa bawat paglayo, ika’y paparito;
Kaya’t anong punto kung ako’y magtatago?
                                         
isinulat |9:49 pm


Kamatayan, sino ka para aking katakutan?

Kung talagang matapang, tayo ay magtapatan!

Payag bang magsuntukan para magkaalaman?

Hanggang huling hininga ang dapat na labanan.



Bakit hindi ngayon pa kung darating ka?

Ang sarili ay nakahanda kung sakaling papalag na.

Pipiliting hindi kumurap para antayin pa

Ang araw na kung kailan ika’y papaslangin na.