ang huling kaway mo ay ang huli na ng ating pagsasama
ng makita ko ang iyong kamay na itinaas at winagayway sa ere
ang huling kaway ay nagsasabing tama na
mga kamay na kumakaway hanggang sa huli ng ating yugto
bagama't masakit man isipin na sa sayang bakit ikaw at ako ay hindi naging tayo
gusto ko man ituloy ang ating pagsasama ngunit walang kasiguraduhan na tama ba itong ginagawa ko
ang huling kaway ang dahilan kung bakit naririto ako at sumulat ng tula tungkol sa ating alala na masyado ng mahaba para itala ng mga bibig kong ito, sapagkat ayoko ng itala ang talatang ito at baka hindi kayanin ng aking baga ko pero sisiguraduhin ko na mabubuhos ko ang galit at sakit na nararamdaman ko
bawat araw ay aking iniisp na sana sana ako na lng
ngunit ako ay nagakamali, sapagkat pagkasalita ko'y mali,
mga sakit sa nakaraan ay dala dala ko parin ngunit ang mga sakit na ito ay tila nadagdagan,
huling kaway na naalala sa pagtulog, kasabay ng ulan at malamig na panahon
oo tama malamig na panahon, kung saan iniwan mo ko sa gitna ng madilim, malamig, at maulan ulang panahon, kung saan ang mga puso ko’y nilalamig, mga yakap mong mahigpit at mainit ang hinahanap,
mga talata na tungkol sa atin na binubuo ng mga taludtod kung saan pagmamahalan natin ay naka buod, mga taludtod na binuo ng mga salita, salitang nakakapanindik balahibo, mga salitang binubuo ng mge letra, mga letrang bumubuo sa katagang “mahal kita”
babalik ako sa mga talata na binubuo ng ating pagmamahalan, salitang nakakapanindik balahibo, mga letrang bumubuo sa mga katagang mahal kita, at tatapusin ko sa mga salitang tama na masakit na!
itutula ko ang mga salitang mga misan mong sinabi na pawang kasinungalingan , isang kasinungalingan na kailanman hindi matatangal sa isipan
mga ngiti mong isa ring kasinungalingan kung isipin, mga ngiting sa likod nito ay ang pekeng pagmamahal
mga ngiti mong nakakalusaw ay siya ring nakakalusaw ng puso
sa huli ng tulang ito kailangan kong tanggapin na ang huling kaway mo ay wala na
huling kaway nanagsasabing masakit na
huling kaway na nagsasabi na tama na
huling kaway na nagsasabi na huli na
huling kamay na nagsasabi na ako'y aasa lamang
huling kaway na nagsasabi na ako'y mapapagod lamang
huling kaway na nagsasabi na ayoko na
at sa huli! ang huli mong kaway ay nagsasabing "tanga nasaktan ka na naman"