Launchorasince 2014
← Stories

ANG IYONG PAGBABALIK

Masaya ako sa iyong pagbabalik

Nararamdaman ko ri'y nanunumbalik

Ngunit sakit ng nakaraan din ay nagbalik

Hindi ko alam puso ba'y masasabik


Ang daming tanong sa aking isipan

Kung bumalik ba dahil sa nararamdaman

O upan ito'y gawing katangahan

At nararamdaman ko'y muling paglaruan


Pero ako ay mmuling maniniwala

Sa mga mabubulaklak mong salita

Upan pagtakpan lahat ng nasira

Nakaraan man o sa muling pagtitiwala


Ngayon ay humihingi ng pagkakataon

Upang maitama ang mga mali noon

Ikaw ay muling pagbibigyan ng pagkakataon

Tama man o mali aking desisyon