Launchorasince 2014
← Stories

''ang iyong pagbalik

pinaka masarap sa feeling ay 'yung binalikan ka ng mahal mo

na kung saan dati ay pinaiyak niya ko at iniwan na lang bigla sa ere

sa mga oras na iyon di ko alam ang gagawin

babalik ako sa mga salitang aking binitawan

sa mga salitang akala ko na bibit-bitn ko sa aking pag tanda

babalik ako sa aking naisulat na libro kung saan ang "happily ever after" ay hindi nangyari

pero ngayon labis ko'ng pinagsisihan ang mga salitang aking binitawan at wala na rin ang mga katanungang gumugulo sa aking isipan na paano kung ang ikaw at ako ay malabong maging tayo kase ngayon ako'y may pag asa sa isang binibini na aking ni nanais nais kitaain araw araw

hayssst! napaka sarap sa pakiramdam na makita kong muli ang mga ngiti at halakhak sa iyong mga mukha, mga ngiti na itinuturing ko na rin na kayamanan 

'di ko rin aasahan na ikaw at ako ay maitutuloy ang istory na nasimulan 

nakakapanindik balahibo ang muling paghawak sa aking mga kamay, kung saan kiliti,kilig, at saya sa aking puso ay nadarama

sa pagkakataong ito hindi ko na aaksayahin ang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin at ibinibigay ko sayo

ako'y maghihintay

ako'y maghihintay sa tamang panahon

 ang puso ko'y konti konting bumabangon galing sa pinsala na idinulot mo

akala ko ang pag mamahal mo sa aking ay 'di totoo

akala ko iniwan mo na ko sa ere

akala ko ang pagod ko'y naaksaya

akala ko magsasayang na naman ako ng pagmamahal

mahal, sa muling pag buhos ng ulan ikaw at ako ay magkatabi na sa lamig

mahal, sa muling pag init ng panahon ikaw at ako ay magkatabi na sa init

mahal, sa hanggang sa pag gunaw ng mundong ito ikaw at ako ay magkatabi pa rin

mahal, lahat ng pagsubok ay ating dadaanin, pero parehas tayong susuungin ang mga pagsubok na ito

mahal, sa muling pag bangon ng ating pagsasama, sabay tayong babangon at sabay tayong magmamahalan muli

mahal, sa pagtapos ng tulang ito, sana madama mo ito, sapgkat pagmamahal ko sayo'y totoo, walang halong biro, sa muling pagsibol ng ating pagsasama mahal, sana hindi ito maksaya, sana hindi ako mapagod, sana hindi ka mapagod, sana hindi na ko masaktan muli, sana hindi na muling bumuhos ang luha sa king mga mata, sana hindi na rin agad matapos ang istorya na ginawa natin, sana mabigyan na natin ng kulay ang ating istorya, at para sa huli ng aking tula mahal sana ikaw at ako ay maging tayo




Your work is your legacy.
Protect it with NAK-ID.

Free to start. Takes two minutes. Lasts forever.

Start for Free →

Free account · No credit card required