Launchorasince 2014
← Stories

''ayoko na

paano ba mag "move on?" 

paano ba makalimot?

paano magmahal ng hindi ka nasasaktan?

paano ba? paano ba?

mga katanungang nakabantay sa aking isipan

paano ba ko magsisimula sa panibagong yugto?

pag hahanap ng bagong mamahalin ay hindi ganon kadali

sapagkat gusto ko na siya pa rin ang katabi sa pagtulog, gusto ko pa rin na siya ang sandalan sa tuwing ako'y naapagod, gusto ko siya pa rin ang iniiyakan sa tuwing ako ay may problema, gusto ko siya pa rin ang bumabati sa'kin ng "good morning","kain ka na", wag mag papagutom", pero mga salitang ito ay tila imposible na mangyari ulit

gusto ko balikan yung mga oras na magkasama tayo sa bawat litratong kinukuha, pero ngayon ako ay nagiisa sa mga litrato, kung saan tinatago ko ang sakit sa

mahal patawad, patawad kung nasabi ko ang mga salitang ito, sapagkat ayoko ng masaktan muli, mahal patawad, sapgkat ayoko ng maghabol ng maghabol kase ako ay napapagod na, hingal na hingal sa dinami dami ng mga salitang aking mga salitang nagmamakaawa

akala ko ako lang iyong "the one and only one"?

ako'y di makatulog sa gabi, 'di makakain sa hapag kainan, 'di makapag aral ng mabuti, 'di makausap ng maayos, ako'y wala sa ulira, sapagkat ayoko ng may nakatira, ayoko ng may nakatirang sakit sa aking puso, gusto ko man paalisin ang mga hapdi,sakit at sugat na galing sa mga matatalim mong mga salita, mahal heto na ang oras, kung saan tadhana ay gusto tayo maparaya, sa mga mapangaping pag aaway, gusto ko na maging malaya, malaya sa mga sakit, maging malaya sa pilit na pagmamahal... AYOKO NA!  

ngiting pilit, heto yung tipong ayaw mong may makaalam ng mga sakt na dinadamdam mo, yung tipong parang ikaw na yung may ari ng lahat ng sakit sa mundo, ngitin pilit ito yung nag sisimbolo na ayoko na

 gusto ko balikan yung mga oras na magkasama tayo sa bawat litratong kinukuha, pero ngayon ako ay nagiisa sa mga litrato, kung saan tinatago ko ang sakit sa aking pilit na ngiti, sapagkat ayoko ng may makaalam ng aking sakit, aray ang sakit

minsan ako'y napapatanong sa aking sarili na "pano ba magpahilom ang sugat" isang katanungan na tila imposibleng masagot, imposible masagot dahil sa iyong sakit na iniwan

babalik ako sa mga katanungang

paano ba mag "move on?"

paano ba makalimot?

paano magmahal ng hindi ka nasasaktan?

paano ba? paano ba?

mga katanungang nakabantay sa aking isipan

paano ba ko magsisimula sa panibagong yugto?

haysssssst ang hirap magmahal, ika nga ng mga matatanda ''kung handa ka magmahal dapat handa ka rin masaktan" pero mahal! pangako, ako ay muling makakabangon galing sa iniwan mong pinsala, pangako ako ay magiging masaya para sayo, pangako hindi na ko luluha, pangako di na ako muling aasa pa'ng ikaw ay babalik sa pusong ito, pangako mahal dahan dahan akong bibitaw sa iyong mga kamay, spagkat ayoko masaktan ng malala, pangako mahal.

pangako

pangako

ayoko na!







Your work is your legacy.
Protect it with NAK-ID.

Free to start. Takes two minutes. Lasts forever.

Start for Free →

Free account · No credit card required