Launchorasince 2014
← Stories

Bakit nga ba?

Sa libong taong dumaan sa buhay ko
Bakit ikaw pa ang pumukaw sa puso ko?
Sa dinami rami ng taong mapipili
Bakit ikaw pa ang aking tinatangi?

Bakit ang sarap pagmasdan ng bawat titig mo?
Bakit masaya ako tuwing narito ka sa tabi ko?
Bakit kumikislap ang mga bituin pag kasama ka?
Bakit nagliliwanag ang gabi tuwing kapiling ka?

Bakit kahit anong gawin ko, ikaw parin?
Bakit mahal parin kita kahit hindi ka akin?
Bakit hindi ko magawang sukuan ka?
Bakit pag dating sayo ako'y nagmamahal nang sobrang sobra?

Bakit minamahal kita nang lubusan?
Bakit wala sa isip ko na ikaw ay dapat iwan?
Bakit ikaw pa ang minamahal ko nang ganito?
Bakit hindi sila na alam kong ikabubuti ko?
Bakit ikaw pa ang tinitibok ng pusong tapat?
Bakit ikaw pa na pinakabulag sa lahat?

Bakit nais kong marinig na tinatawag mo ako?
Bakit musika sa pandinig ang pangalan mo?
Bakit napakaraming katanungan sa isip ko?
Bakit nga ba ikaw, hindi sila, ang mahal ko?

Pero, mahal, sa lahat ng bakit—
Bakit siya pa, at hindi ako?
Bakit merong ikaw at ako—
Ngunit bakit walang TAYO?