Launchorasince 2014
← Stories

Bangungot

eto na, nangyari na, nangyari na ang kinakatakutan kong bangungot

ang bangungot na gumising sa aking pagkatao

ang bangungot na ipinamukha sakin na hindi siya ang hinihintay ko

ang bangungot na 'kala ko ako lang at wala ng iba 

ang bangungot na hindi niya pala ako mahal

ang bangungot na naging totoo

ang bangungot na kinakatakuan kong mangyari, na lokohin mo lang ako at paasahin

ang isip ko'y nababaliw, sapagkat ayokong mabaliw, ayokong mabaliw sa pagmamahal mong hatid ay aliw, di ko ikinatutuwa ang paghulog sa iyong mga patibong na masyadong delikado kung tutuusin

di ko ginusto na ika'y iwan, sapagkat inudyok mo kong iwan ka

ayokong masaktan

 ayokong mag pakagago sa mga oras na ito, ayoko ng maging tanga sa iyong harapan

ayokong sumuka ng 1 timba na suka dahil ako'y naka inom

sawa na 'kong masaktan, minsan gusto ko na lang lumaklak ng isang boteng "pain reliever" ayos lang! ayos lang kahit dulot nito'y labis na dosis, ayos lang kahit ang dulot nito'y sakit, mawala lang ang sakit na dinanas ko sayo

kumain man ako ng 1 sakong bubog mawala lamang ang sakit, gagawin ko

uminom man ako ng 1 boteng asido mawala lamang ang sakit, gagawin ko

di ko na alam, ang nararamdam ko'y halo-halong sakit, galit, lungkot, saya!? ano pa ba? hahahahahahahahaha! nababaliw na ko

pero ayos lang, siguro hindi lang talaga kami nakasult sa aklat ni tadhana, ayos lang kahit hindi kami itinadhana, siguro may ibibigay pa sakin si tadhana ng mas maayos na babae at meron lang sana akong gusto sabihin mahal

teka mali! may gusto lamang akong sabihin sayo babae

ayos lang kahit hindi mo ako gusto! 

ayos lang kahit niloko mo ko!

ayos lang kahit ginawa mo akong tanga sa iyong harapan!

ayos lang kahit meron ka pa lang iba na hindi ko alam!

ayos lang kahit ginamit mo ko!

ayos lang! ayos lang!

 punyeta ka!



Your work is your legacy.
Protect it with NAK-ID.

Free to start. Takes two minutes. Lasts forever.

Start for Free →

Free account · No credit card required