Launchorasince 2014
← Stories

"bituin"

ako'y naglalakad sa isang malamig na gabi
biglang huminto ng walang ano-ano
itiningala ang ulo ng walang ano-ano
mga matang nanlaki dahil sa ganda ng mga bituing kimikislap sa kalangitan

gabi-gabi ikaw ang nakikita sa mga bituing kumikislap sa kalangitan

mga bituing ikaw ang nakikita dahil sa taglay mong ganda

mga bituing ikaw ang nakikita dahil ika'y labis na nakakabighani

babalik ako kung saan tayo nagkakilala 

sa isang simpleng pag titipon

sa isang simpleng pag sasama

nakita kita sa isang isang sulok

sa isang sulok na para bang huminto ang aking mundo ng ika'y nakita

di ko aakalain na makikilala ko ang isang babae na lagi kong nakikita sa tuwing dumadaan sa silid paaralan,

di ko aakalain na makikilala ko ang isang babae na laging nakangiti at puno ng saya ang kanyang mga mukha

mga ngiting kay sarap tignan na para bang mga bituing mga nasa langit

mga boses na kay sarap pakinggan 

sa tuwing kausap ka... mga problemang nakakalimutan kahit saglit

mga problema sa mundo ay nais talakayin at pag usapan

ako'y sumasaya sa isang maliit na mundo kung saan lng tayo naguusap

sa maliit na mundong ito pakiramdam ko na para bang tayo lang dalawa ang nasa mundong ito

sa maliit na mundong ito, feeling ko ang saya saya ko,

masaya dahil sa mga ibat ibang topic na pinaguusapan

mga sikretong tayo lng ang nakakaalam, na para bang may hawak akong bituin na hindi ko pede itapon kung saan saan

kapag kausap ka ay para bang wala ng bukas, dahil sa walang humpay na usapan 

pangako ko na magiging masaya ka kapag ako ang kasama

pangako ko na ang atins samahan ay mag tatagal 

pangako ko

pangako ko

 


Your work is your legacy.
Protect it with NAK-ID.

Free to start. Takes two minutes. Lasts forever.

Start for Free →

Free account · No credit card required