Launchorasince 2014
← Stories

Connected

Pabalibag na isinara ni Sheila ang pinto ng taxi. Sinamaan siya ng tingin ng driver dahil sa pagdadabog niya.

"I swear to the heavens, this is not my day," Bulong niya habang papasok sa dorm na tinutuluyan niya.

Pagkapasok niya ay kasalukuyan nang kumakain ang roommate niyang si Alex ng hapunan.

"Ms. Sheila Ybañez, bakit na naman nakabusangot mukha mo diyan?" Bungad na sabi ng isa pa nilang kasama sa dorm na si Jhie. Kagagaling lang nito sa CR at naka-ikot pa sa ulo nito ang tuwalya.

"Alas-otso na, aalis ka pa?" Pag-iiba ng usapan ni Sheila saka dumiretso na sa lamesa.

"Graveyard shift ako, e. Start ngayon pero kakain muna ako."

Naunang tumira sa dorm si Alex at Jhie. Last 2 years lang siya napunta dito dahil gusto niya makatipid habang nagtatrabaho. Hindi niya rin p'wedeng iluwas ng Cavite ang buong pamilya dahil kaunti pa lang ang ipon niya.

3 years ago, grumaduate si Sheila sa kursong Human Resources. May kahirapan ang trabaho niya dahil p'wede siyang all around sa opisina.

"O, bago ako umalis, care to explain kung bakit ka nakasimangot?" Pagbalik ni Alex sa topic.

"Madami lang applicants kanina."

"Alam mo, sa tingin ko dapat ka nang maghanap ng boyfriend. Alis na 'ko," Biglang sabi ni Jhie saka kinuha ang bag at umalis na.

"Bakit naman napunta diyan ang usapan?" Iritang sabi niya.

"Look at you, Sheila, 22 years old ka pa lang pero kung umasta ka ay para ka ng matandang dalaga," pagpapatuloy ni Alex sa sasabihin ng kaibigang umalis.

Natahimik si Sheila. Oras na ba para sa mga ganoong bagay? Marunong naman siyang mag-balance ng oras kaya sa tingin niya ay hindi ito magiging hadlang sa pag-iipon niya. Ang problema nga lang ay hindi siya interesado.

Nag-ayos na para matulog ang dalawa. Pumwesto na sa upper bunk ng double deck si Sheila at sa baba naman si Alex. Nakahiga na siya pero nasa isip pa rin niya ang sinabi ng mga kaibigan.

Aminado naman siyang minsan ay naiinggit siya kay Jhie na kahit paiba-iba ang schedule e nakakahanap pa ng oras para sa boyfriend niya. Si Alex naman ay nakikipag-date.

Ang pinagtataka pa niya ay magkakasing-edad lang naman sila pero bakit parang hirap na hirap siya pagdating sa ganoong bagay.

"Alex?" Tawag niya sa kaibigan.

"Alex, gising ka pa?" sabi niya saka sinilip sa baba ang kaibigan.

"Bakit?"

Lumingon sa kaniya si Alex na bahagyang nakangiti pa. Sa isip-isip ni Sheila ay siguro naglalandian na naman sila ng ka-date niya.

"tingin mo tama si Jhie?"

Bahagyang napatawa si Alex sa sinabi ni Sheila. Palibhasa'y alam nito na kulang lang sa kilig ang kaibigan.

"Oo, saka subukan mo mag-omegle. Mag-ingat ka lang at madaming bastos doon pero malay mo 'di ba? Pangunahan mo na na hindi ka interesado sa mga masusungay na tao."

"Ah, sige," tanging nasabi lang ni Sheila saka bumalik na sa pagkakahiga.

Ilang minuto ang lumipas, kinuha ni Sheila ang cellphone na nasa gilid ng unan. Wala naman sigurong masama magbaka-sakali.

Binuksan niya ang wifi ng cellphone saka dumiretso ng browser saka tinype ang omegle.

Omegle (oh·meg·ull) is a great way to meet new friends. When you use Omegle, we pick someone else at random and let you talk one-on-one.

Tahimik na binasa ni Sheila ang lahat ng nakasulat. Pagkatapos ay inilagay niya ang Manila, Cavite, Dasmariñas sa interests.

Connecting to server ...

Kinakabahan ang mga palad ni Sheila. Ngayon lang siya makakapunta sa ganitong site at hindi niya alam kung anong klaseng tao ang mga nandito. Lalong kumabog ang dibdib niya nang mag-iba ang nakasulat.

Click I'm not a robot

"'Nak ng puta naman 'to," Inis na bulong niya nang maudlot ang excitement niya.

Select all images with a store front.

Verify.

Mabilis niyang tinapos ang verification. Malakas ang pag-asa niyang dito niya makikita ang ... ano ba? Ano nga ba ang makikita niya sa site na 'yon?

Ilang minuto siyang nagintay. Parang buong buhay niya ang nakataya sa sobrang kaba niya.

You're chatting with a random stranger. Say Hi!

You both like Manila.

Stranger: Hi. Asl?

Sheila: Hello
            Ano pong Asl?

Stranger: Age, sex, location

Sheila: Ah, 22, F, Dasma

Stranger: 26, M

Sheila: Ay, kuya, kung horny ka disconnect na agad ha

Stranger have disconnected

"Gago 'to, ah," Bulong ni Sheila dahil sa inis. Isasara na sana niya ang tab nang magsalita ang kaibigan.

"Ganiyan talaga, Sheila. Give it a second chance. Nagsisimula ka pa lang, e. Kapag hindi naging okay ang second mo then ia-arrange kita ng blind date."

Napa-isip na naman si Sheila. Siguro nga ay p'wede siyang sumugal ulit.

You're chatting with a random stranger. Say Hi!

You both like Manila.

Stranger: Hi

Sheila: Asl?

Stranger: 22, M
                Ikaw po?

Sheila: F.
           Kung horny ka kuya, disconnect ka na.

Stranger: Uy, hindi a.
                Matino 'to! haha.
                 Age mo?

Sheila: 22

Stranger: Ah, nagwo-work ka na?

Sheila: Opo, HR. Ikaw?

Stranger: Oh, psych. major mo?

Sheila: Hindi po. Human Resources po. Ikaw po, working?

Stranger: Ah, oo. Xray tech.

Sheila: ah, haha, inhale ... exhale. Hahaha

Stranger: Hahaha oo. Ilagay ang kamay sa bewang tapos tingala.

Sheila: Hahaha. Hindi ka naman stress?

Stranger: Hindi naman. Malamig sa office, e.

Sheila: Loka, I mean sa work mo mismo hahaha.

Stranger: ay haha sorry. Hindi naman.
Naalala ko may inxray akong bata.

Sheila: Oh tapos?

Stranger: Sabi ko, pakitanggal po 'yung brassier.

Sheila: hahahaha tapos?

Stranger: Tapos tinignan ako parang 'anong balak nito sa'kin?' e, samantalang gusto ko lang magtrabaho hahaha.

Sheila: Hahahaha

Sa oras na ito ay naiisip na ni Sheila na hindi naman pala masamang ideya ito. Hindi naman pala lahat dito ay bastos pero karamihan pa rin.

Para sa kaniya ay mukhang mabait ang kausap. Pareho na silang working kaya walang magiging problema kung magkikita sila kung sakali.

Masarap siyang kausap. Hindi magiging awkward kung magkikita nga sila.

Sheila: Duty mo ngayon?

Stranger: off ko ngayon. Bukas meron na, 7

Sheila: Same. Dapat natutulog ka na.

Stranger: Hindi, sanay na ako, e hahaha

Sheila: Siguro malaki eyebags mo.

Stranger: Hahahaha.

Hindi alam ni Sheila kung anong nasabi niya pero pakiramdam niya ay na-trigger ang imagination niya.

Nai-imagine niya kung ano itsura ng kausap. Hindi naman siya naghahanap ng gwapo pero kung may itsura ang kausap ay bakit naman siya tatanggi? at kung hindi naman, maganda naman ang personality nito kaya p'wede na.

Gusto na niyang sabihin na mag-usap sila sa facebook dahil hindi maikakailang nagugustuhan na ni Sheila ang pakikipag-usap pero iniisip pa rin niya na hindi dapat siya magmukhang desperada sa boyfriend.

Stranger: Ikaw bakit hindi ka pa natutulog?

Sheila: Ano ako bata? hahahah

Stranger: Hindi hahaha e, 'di ba may pasok ka pa bukas?

Sheila: 9 pa.

Stranger: :)

Mahaba-haba na rin ang pinag-usapan nila. Hindi pa ba io-open ng kausap ang topic tungkol sa mga totoong pangalan nila? Mukhang nabo-bored na 'to.

Stranger: Antok na ako.

Kumabog ang dibdib ni Sheila. Ayaw niya pang tapusin ang usapan saka hindi niya pa alam ang pangalan ng kausap.

Sheila: Okay.

Stranger: Bye, thanks sa time

Sheila: Nc talking with u

Stranger: Hindi mo ba ipapaalam pangalan mo? Haha.

Sheila: I'm Sheila.

Biglang nabuhayan ng loob si Sheila. In-open niya ang topic. First name pa lang ang binigay niya para kapag na-curious ito ay hahaba pa ang usapan nila.

Stranger: I'm Russel.
                  :)

Ang pogi at ang yaman ng pangalan, isip-isip ni Sheila.

Russel: Bye, Sheila.

Sheila: Bye, Russel.

Stranger have disconnected

Nanlamig ang kamay ni Sheila sa hindi niya inaasahang nangyari. Hindi niya masabing na-attach siya sa kausap dahil aakalain nitong hinahabol siya.

Bye, Sheila. Bye, Russel

"Sayang," Bulong ni Sheila saka itinabi ang cellphone sa gilid ng unan. Wala naman na siyang magagawa. First name lang ang binigay ng kausap kaya paano niya ito mahahanap? Hayaan na lang, marami pa naman sigurong darating.

Kinaumagahan ay maagang umalis si Sheila. Wala siya sa mood mag-k'wento sa mga kaibigan dahil tutuksuhin lang siya nito. Bakit ba ang bilis niyang ma-attach?

"Ms. Sheila, papasukin ko na po ang next applicant?"

"Oh, yes, sure." Umayos ng upo si Sheila. Panibagong normal na araw.

"Good Morning, Ma'am. I'm the next applicant."

"Good morning to you, too. Have a seat Mr. Buenaventura ... Russel."

-----
a/n please anticipate for the sequel :)