Are you sure you want to report this content?
Illustration by @luciesalgado
Hay, andaming paper works. Tambak ang gawain, sumabay pa ‘tong headset ko. Nasira.
//May minsang lang na nagdugtong, damang-dama na ang ugong nito//
In-off ko na lang ang music saka napahinga nang malalim. Buti na lang, ang lungkot ng kantang ‘to ng Ben&Ben, e. Umulan pa. Mga ganitong senaryo ‘yung magandang tumulala na lang habang nagmumuni-muni, e.
Universidad De Manila, nasaang sulok ng UDM na kaya ‘yung mga kaklase saka kaibigan ko? Nasa iisang magkakadikit na gusali lang kami pero ni hindi makapag-bonding. Medyo nakakalungkot pero okay na rin, may mga tao rin naman akong gustong kalimutan mula sa dati.
“Jonathan, una na kami. ‘Tang ina ka.”
Napalingon ako sa magbabarkada na napadaan -- saka sa pangalang iyon.
//ibinubunyag ka ng iyong matang sumisigaw ng pagsinta//
“Sige, p’re. M-may hihintayin pa k-kase ako.”
Napalingon siya sa’kin. Bakit siya nautal? ‘Tang ina, bakit naman ako kinabahan bigla? Wala naman akong atraso sa kaniya. S’ya nga nakasakit, e.
Unang una siya sa mga gusto kong kalimutan-- o sige, gusto ko pa ring ipagpasalamat na nagkasama kami pero hindi, e. Hindi naging kami. Siguro mutual understanding? Siguro nga.
Tapos malaman-laman ko may nililigawang iba. Masakit. Haha.
Nagligpit na ako ng gamit. 7:30 pm na, magsasara na ang UDM ng 8. Inilagay ko na sa legendary heartrstring backpack ko ang mga gamit ko. Kasama ko ‘to sa lahat ng adventures ko. Buti pa ‘to nagii-stay,e.
//ako ang sasagip sa’yo//
Shit, wala akong payong. Buti na lang naka-University shirt ako, tatanggalin ko na lang palda ko. Buti matino-tinong short ang suot ko ngayon. Susugod na lang ako sa ulan, malapit lang naman ang SM, tatambay muna ako sa NBS.
Sayang, masaya sana tumambay sa kartilya dahil maraming ilaw, kaso umuulan. Imbes na tambayan ‘to ng mga magboyfriend-girlfriend, e, mga nagsesenting basa sa ulan ang mga nandoon.
Nangangatal ang bibig ko pagkapasok ko sa SM. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis ako dahil pinipigilan kong manginig ang katawan ko.
Dumiretso na ako sa NBS para tumingin-tingin ng libro. Hindi naman ako mahilig magbasa nang mahahaba, unless na-capture talaga attention ko. Siguro, dapat na ako mag-iba ng medium. Medyo napapagod na ako sa pastels, maganda ata ang water color.
“Hariane.”
//ang bagyo ng tadhana ay tinatangay ako sa init ng bisig mo//
Napalingon ako.
“uy,” kaswal kong sagot. Hindi ko alam kung lumamig bigla pero yung nginig ko kanina, nadagdagan ng kaba. Hindi siya sumagot kaya napalingon ako sa kaniya.
Bigla kong naramdaman ‘yung -- ‘yung mga bagay na matagal ko nang pinipigilan. Na-miss ko pala na tignan -- titigan siya. Na-miss ko ‘yung ganito kami kalapit. Matagal na pala akong nangungulila sa kaniya, at ito siya -- sa harapan ko. Umiiyak.
“Jonathan.”
“Sorry, s-sorry sa lahat. Hindi ko a-alam na mahal pala k-kita.”
Hindi ko alam ang sasabihin pero alam ko-- ramdam ko, mahal ko rin siya.
// ‘wag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo, naririto ako’t nakikinig sa’yo//
(itutuloy)
To you, I’m the most fragile glass that can only be held with such divine care.
64142 Launches
Part of the Love collection
Updated on April 29, 2020
(2)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.