Launchorasince 2014
← Stories

Dating Tayo

Wala na yung dating tayo

Ikaw at ako na pinapangarap ko

Ako na lagi mong kausap, kasama at kaibigan

Ako na laging nandyan para lang ikaw samahan sa iyong kalungkutan

Kalungkutan na iyong nararamdaman

Sa tuwing kayo'y may tampuhan at minsan ay di nagkakaunawaan

Nawala ang ating pinagsamahan ng muli syang dumating

Dumating at inilayo ka sa akin

Wala naman akong karapatan para ika'y pagbawalan

Sapagkat ako'y kaibigan lang na iyong nasasandalan sa tuwing ika'y nasa matinding kalungkutan

Kalungkutan na agad napapawi kapag sya'y nakangiti

Nakangiti dahil sa iyong mga sinasabi

Sinasabi na ngayon ko lang narinig mula sayo

Na sya'y iyong gusto mula pa noong magkakilala kayo

Tila ako'y natauhan dahil sa mga sinabi mo

Wala naman akong karapatang masaktan dahil kaibigan mo lamang ako

Kaibigan na handa sayong umalalay sa tuwing ika'y nalulumbay

Makikinig sayong kwento kahit ako'y parang tanga ng naghihintay

Naghihintay na tumigil ka dahil iisa lamang ang iyong sinasabi

Kung gaano mo sya kamahal at ika'y nagsisisi

Nagsisisi na sana'y hinabaan mo pa ang iyong pasensya

Para meron ka paring panghahawakan kahit kayo'y magkalayo na

Lumipas ang ilang taon at nanatili syang naroon

Sa iyong puso na ngalan nya'y nakabaon

Nakaukit na para bang isang tuyong sugat

Sugat na kailanman di na mabubura sapagkat iyong inaaruga

Sugat na uukit sa puso mo kailanman

Kaya ngayon sya parin ang iyong mahal

Wala na yung dating tayo kasi kayo na naman

Kayo na naman ang bida sa istoryang aking aabangan

Aabangan ang dulo para ika'y matututo

Na kahit magpakatanga ka sa kanya sya parin ay lalayo kung sya'y talagang di para sayo.

Wala na yung dating tayo kasi kayo na ulit

Wala na yung kaibigan na iyong pinipilit

Pinipilit pakinggan ang mga kwento mong paulit ulit

Na kahit ang marindi ay di nya masabi-sabi

Para lang ika'y pakinggan at samahan

Samahan sa magdamag hanggang sa ika'y mapagod na

Mapagod na alalahanin ang inyong nakaraan at muling magpatuloy

Wala na yung dating tayo kasi nawala na ang inyong tampuhan

Kayo na ulit at nagmamahalan

Nagmamahalan na may halong kalokohan at isang napakalaking kasinungalingan. 

Ngunit ako'y di na eeksena sapagkat

Walang ikaw at mula pa nung umpisa

Dahil hanggang sa huli kayo parin ang magkasama.

.

.

End