'Pag namatay ako, halimbawa nasagasaan, mararamdaman ko sa umpisa 'yung sakit, tapos mamaya ay mamanhid na ang buong katawan, maraming dugo na ang lalabas mula sa'kin.
Darating ang mga ambulansiya pero huli na. Magpapahinga na ako. Iisipin ko "sa wakas puta! Hindi ako nag-suicide. Nalabanan ko ang tukso! Iba ang pumatay sa'kin"
Hahangos ang pamilya ko matapos nilang malaman na dead on arrival na ako. Mapupunta ako sa morgue.
Sarap ng aircon dito a.
Iiyak sila, siyempre. Maalala lahat ng alaala, pangungulit ko--
Nagulat ako nang kalabitin ako ng ... waiter. Nasa fastfood chain ako at mag-isang kakain. Hindi ako sinipot e.
Ang lalim na ng naisip ko.
"Thank you"
Sambit ko sa nag-serve. Inunat ko ang mga paa ko. Nilaro ang staw sa coke float.
Ngayon lang ako nawalan ng ... ewan ko ba! Pakiramdam ko may nawala na naman sa'kin.
Noon, wala akong pangarap, noong nakaraang taon, sinipag ako. Kahit gusto ko nang sumuko sige pa rin dahil may gusto akong makamit.
Ngayon, buhay pa rin naman ang mga pangarap ko pero kung mamamatay ako ngayon ay ayos lang din sa akin.
Kinuha ko ang float at lumabas na. Sa bahay ko na ito kakainin.
Para bang okay lang sa'kin. Kung mabuhay, itutuloy ko ang plano ko dati, kung mamatay, edi mamatay.
Tumawid ako kahit lunod pa rin ang isip
Naging berde ang ilaw.