Saan nga ba tayo nagkamali?
Saan nga ba nagsimulang magbago?
Kailan ba tayo nagkaganito?
Kailan ba tayo nagkagulo gulo?
Saan nga ba nagsimula ang "tayo"?
Nagsimula tayo sa mga panunukso,
Mga damdamin natin ay unti unting nagbago,
Mga puso nati'y pilit na hiningi ang tayo.
Ilang buwang mga ngiti ko'y di mapawi,
Mga pagbabago sa kilos ko'y di mo mawari,
Mga kakaibang pananamit at gawi,
Tuwang tuwa sa tuwing nakikita makinang mong ngiti.
Ngunit bakit ito ang nagbago?
Bakit nagkaganito tayo?
Ang akala ko ba masaya pa ang ikaw at ako,
Akala ko ba magtatagal pa hanggang dulo.
Ngunit araw araw mga puso nati'y bigo,
Bakit sa tuwing nag aaway tayo
Mga damdamin nati'y nagdurugo,
Mga sugat nati'y namumuo
Ilang beses ba natin tinakpan ang butas sa ating mundo
Gayong gamit natin salitang sorry bilang pansarado,
Bakit di na tumitigil ang mga luha ko sa pagtulo
Bakit mukhang nandito na tayo sa dulo
Hanggang dito na lang ba ang walang hanggan
Ito na nga ba ang mundo kasunod nang kasiyahan
Kung umaga'y sasapit na ako'y luhaan
Saan nga ang akin takbuhan
Puso ko may duguan at sugatan,
Damdamin ko ma'y nahihirapan
Nais kong iyong malamang
Hindi ako ang gagawa nang desiyong para sa kinabukasan.
Kung tutuloy pa ba tayo
O ito na ang ating dulo
Kahit na luha ko'y tumutulo
Tatangapin ko ang desisyon mo.
Kung hanggang dito na nga lang ba tayo.