launchora_img

Ending ng Tayo

Info

Mag-aala syete nun, gabi na
Tinanong ko kung nasaan ka na
Sabi mo, pauwi na
Tapos, nagtext ka
Sabi mo, buksan ko yung email na binigay mo,
Ako naman si shunga, binuksan ko
Na-curious ako
Muntik ng mahulog phone ko
Halos gumuho ang mundo ko sa nabasa ko

Mahal.
Tatlong buwan ng mahigit ng magsimula tayo.
Tatlong buwan na magmula ng magsimula ang inakala kong walang hanggan
E, umpisa pa lang pala usapan
Hindi na Pwedeng magkaroon ng tayo.
Dahil sa tatlong buwan na 'yon kung saan sa'yo lang umikot ang mundo ko,
may iba na palang nagmamay ari sa'yo.
Manloloko!

Mahal.
Oo, mahal ka pa rin ni tanga
kahit niloko mo siya.
Tanga—ako siya

Ilang araw ng magmula ng iwasan kita.
Tinanong mo ako kung okay tayo,
sabi ko, oo
kahit alam kong ako'y niloloko mo.

Magaling ba ako?
Oo, sobrang galing kong magpanggap na okey ako
kahit ang totoo, durog na durog ako.
Yung 'I love you' mo?
Fake, bro!
Ano yun, dalawa kaming sinasabihan mo nun?
Parrot lang, bro?
Sanay ng paulit-ulit?

Ang galing nyo ring mga two-timer, ano?
Kapag sira kayo nung isa, may reserba
Ano kami, baterya?

Kung makapaglabing kayo,
para kayong biko sa sobrang tamis
Sana nadiscover ko agad na 'yon ay panis.

Pangako?
Pangakong napako.
Mamamasyal tayo sa ganito
Pasyal tayo, saan mo gusto?
Gusto mong malaman ang sagot ko?
Pasyal tayo dun sa walang tayo para hindi ako nasasaktan ng ganito.

Ang sakit ehh
Masarap bang nanloko?
Ano bang lasa, matamis ba, o ano?
Mapait kasi ang mapaglaruan
Yung akala mo, ikaw si Cinderella
yun pala, hindi
Yung akala mo, happy ending na
yun pala ikaw yung bruha sa istorya

Ano, ako?
Third party?
Third party?
Parang ikatlong gulong sa bisikleta,
Parang asin sa mainit na kapeng tinimpla
Parang bota kapag tirik na tirik ang araw sa kalsada
Parang extra na ang kukunan ay 'yong bida.
In short, hindi kailangan sa eksena.

Mahal
Mahal kita.
Mahal na mahal kita.
Ang tanga ko lang para hindi malaman kaagad ang ending ng tayo
Buburahin mo ang letrang t,
parang pagbura mo sa akin sa mundo nyo
Papalitan mo ang y ng k dahil dati nang mayroong kayo
Ang matitira
Sa ending nating dalawa ay ako
dahil umpisa pa lang, hindi na pwedeng magkaroon ng ako
sa mundong mayroon ng kayo.


6 Launchers recommend this story
launchora_img
More stories by Grace Silent
Narratives of a Pushover

I am a pushover. I am glad I found someone to lean on no matter how hard I get pushed.

11
Lessons Learned by the Proud Scholar

Success can make a person arrogant. Stay humble.

00

Stay connected to your stories

Ending ng Tayo

99 Launches

Part of the Poetry Wars collection

Updated on November 11, 2018

Recommended By

(6)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.