Sabay nating tungayawin,
ang ingay ng mga gangis sa kakahuyan na tinakpan
ang bawat mong pagdaing
sa sakit na dulot ng bigat niya sa iyong katawang pilit niyang ina-angkin.
Bukang liwayway na nang ika'y magising ngunit alam mong wala ka sa iyong tahanan.
Papalakas ng papalakas na ang tunog ng batingaw sa simbahan
Ngunit tila 'di mo lubusang mawatasan
sa kung paano ang mga paa mong laman lagi ng simbahan ay naglalakad tungo sa kawalan.
Ang alingawngaw ng mga gangis tuwing takipsilim
ay tila nagpapasariwa sa ala-alang,
Minsang ng nalapnos ang iyong balat sa gaspang at marahas niyang pagkakahawak.
Noong gabing lunurin ka sa karagatan ng kaniyang pagnanasa.
Tila unti-unting napipigtas ang piraso ng dignidad na pilit na binubuong muli
sa tuwing na aalala ang paglapat ng kanyang dila sa bawat sulok at kurba ng iyong katawan.
Sabay nating tungayawin
ang eskinitang tinahak noong takipsilim
nang Enero labing anim...
- // i r . c