Para sayo,
You are my first thought in the morning and last thought at night.
Minsan nakaka irita na! Ang daya mo. But, I can't blame you. Siguro napagod kana.
Alam mo? Dami ko ini-isip tungkol sayo, sakin at tayo. Ang dami kong tanong sana para sayo.
Naalala mo pa ba nung minsan tinanong kita "if I ever crossed your mind". Kinabahan ako ng subra nun. Yong feeling na natatae kana. hinihintay ko kasi sagutin mo ko ng "Hindi" Para atleast hindi na ako umasa. Pero hindi eh, gusto mo sagutin yan sa araw na magkikita tayo. Hindi pa fix kung kailan pero paano? alam mo bang umasa ako? Uma-asa ako. Hindi na tayo nag u-usap. Hindi muna ako kina-usap. Alam ko namang may mali ako hindi nga lang ako sigurado kung ano, at isa yan sa gusto kong itanong sayo.
Alam mo ba 1 week akong di maka tulog? Iyak ako ng iyak, Masyado kasi ata akong nasanay sa presensya mo. Nagpipigil ako non time na yun na i communicate ka kaso hindi ko kinaya, kaya rinak-rakan kita ng kung ano-ano sa messenger. Nag reply ka ang saya-saya ko nun sobra!, sabi mo wag ako mag ala-la mahina lang vpn mo. Na relieved ako, gusto ko mag lambing sayo kaso feeling ko tanga-tanga ko - *Sigh*. Akala ko ok na tayo kaso hindi eh, ni hindi mo binabasa yong reply ko sayo. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang Online ka tapos wala akong na rerecieve na mensahe galing sayo. Miss na kita, totoo. Na kada tunog ng cellphone ko nag prapray ako na sana message mo yon. Minsan nga sa inis ko pag nalaman kong hindi sayo na-aawa na ako sa sarili ko sinasabi ko "Assuming ka kasi" minsan Gusto ko sabihin sayo "Miss na kita, i chat mo naman ako" kaso di ko magawa. Baka iba na pinagkaka abalahan mo. Ayoko din mag beg nga attention mo kasi feeling ko wala ka din namang paki. Sa tuwing nakikita ko post mo naluluha ako. Sa tuwing na rereview ko convo. natin bumibigat yong dibdib ko sumisikip and sakit talaga. napapaluha ako,. Ang hirap pala nito, hindi ko naman hiniling sayo mahalin mo ko. I opened my self to you na ayoko umasa, wag kang paasa pero ano ito? Minsan napapa-isip ako. Nasasaktan ka din ba katulad ko? Ini-isip mo ba kung kumusta na ako, umaasa karin ba na magkikita pa tayo? Na magiging tayo? Na-iyak ka din ba kasi miss mo ko?
Gabi-gabi dinarasal ko na sana maging ok na ako at sana ok kadin. Na sana mahanap mo hinahanap mo, Na sana hindi kana takot, na sana hindi nadin ako takot. Na sana kahit isang segundo lang sa pag uwi mo makita kita. Kahit yong tipong unexpected at panandalian ok na ako don.
Alam mo bang nakakatulog na ako unti-unti pero naiiyak pa din ako ng kunti, nasasaktan ng subra at nag-iisip sayo ng subra. But no worries. Alam ko magiging ok din ako. Hindi ngalang ngayon. Masyado akong nag expect, Masyado akong nasaktan sa simpling chitchat lang. Naging emotionally dependent ako sayo ng isang buwan. I never expect this to happen, pero magiging ok rin ako balang araw. Ingat ka diyan palagi ha, wag kana malungkot alam ko magiging ok ka rin sa routine mo diyan. I pray kita palagi gaya ng dati andito lang ako naka support sa lahat ng parangap mo. Gawin mo lahat ng gusto mo. Maging masaya ka, masaya nadin ako para sayo.
Nagmamahal
sakin.