Mga kaibigan isinulat ko itong tulang ito para malaman niyo na mahirap ma-fall sa kaibigan
Friends lang tayo, salitang masakit sa dibdib, salitang hindi ko matanggap, salitang hindi ko dapat marinig galling sayo
Friends lang tayo, katagang tumatak sa aking isipan, katagang di ko aasahan
Isa lamang ito sa mga linyang binitawan nung minsan tayo ay nagusap ng masinsinan
Wait mali! mali! Wala nga palang “tayo”
Alam mo para lang akong unan sa'yo, minsan kailangan mo ko pag gusto mo lang ako sandalan
Unan, bagay na magbibigay sayo ng panandaliaan ginhawa
At sa huli! Hindi ko inaasahan na ikaw at ako ay hindi pala itinadhana
Ang katagang “friends lang tayo” ay isa sa mga dahilaan ng pagkasira ng relasyon ng magkakaibigan
Kaibigan, nung nalaman mo na ako ay may pagtingin sayo, bakit ang tingin mo sakin ay para bang isang laruan na nagbibigay sayo ng panandaliang kaligayahan
Bakit parang napapadalas ang iwas mo sakin? Dahil ba wala ako sa mga katangian na hanap mo?
Para bang iniwan mo ko sa kalawakan na kailanman ay hindi na ko makakabalik sa pinangalingan ko
Kaibigan, sana man lang mapansin mo ang aking puso na hulog sa tusok
Naalala mo pa ba yung katagang sinabi mo sa akin?
Di ko alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon
Sapagkat ang nararamdman ko ay halo halo
Ang utak ko ay tila bang gusto na mabaliw, sapagkat di ko alam ang gagawin
Kaya heto kaya ko ginawa ang tulang ito
Dahil sa walang hanggang pagtingin, na para bang ang puso ko’y tinitiris, dahil sa katagang sinabi na walang mintis at sa walang hanggang pa ulit ulit mong sinaktan ang puso ko! ito’y nakakainis
Hindi ko mawari na bakit sa dinami dami kong ginawa na pagpapansin ng aking pagtingin
Hindi mo mapansin ang aking kahalagahan
Ilang beses, hindi isa, hindi dalawa, at hindi rin tatlo, kundi maraming beses na pagtanggi sa aking pagmamahal na inaalok sayo
Masakit man pero pag ito ay lumipas, tatawanan ko na lng ito
Sisimulan ko ule sa katagang “friends lang tayo”
Kung saan di mo maramdaman na puso ko’y para bang tinitirs, at nanatiling sakit, sa puso kong hitik sa pagmamahal
Teka mali mali! Sisimulan ko ule sa katagang “friends lang tayo”
ang katagang ito ay maraming leksyon na naituro saken
Ang katagang gumising sa aking pagkatao, katagang pinamuka sa akin na ako’y talo, na kung saan ang pagsisikap ko’y aksayado , malabo man ang tiyansa na maging tayo, pero ang bawat pagsisikap ko’y planado
Pero ayos lng naman,
Kase simula una at hanggang huli pinaramdam mo saken ang tunay na pagmamahal, na walang katapusan, kahit ako’y nasaktan, sa mga delikado mong palad, sapagkat ayaw mo na ako’y masaktan.
Kase hanggang sa huli ng ating storya, tadhana’y gusto tayo maparaya, sa kulungang hindi maraya
Kung saan ngayon ang puso ko’y natutuwa, sa mga binigay mong biyaya, at sa kadahilanang ikaw at ako ay gusto na maging maraya, dahil sa mga rehas na hindi nakakatuwa, ikaw at ako ay Malaya na sa tadhana
Tandaan mo ang aking mga salitang winika, na alay sayo’y ginhawa, papunta sa paraisong ika’y maraya
Na marami pa sayong magmamahal hatid ay tuwa, hayssssst!
Di ko alam kung paano ko tatapusin ang tulang ito, pero naniniwala ako ngayon na ang pagmamahal ko sayo’y walang hanggan at sa katapusan ng ating buhay at naniniwala ako na sana! sana! Na ang magiging kasintahan mo’y alay sayo’y pagibig na walang hanggan at tunay
Tanginamo! Ang sakit!