Manhid raw ako sa pag-aakala nilang hindi ako nasasaktan,
Duwag raw ako dahil sa pagsuko ko ng ganoon na lamang,
Pero hindi nila alam...
Mahirap kalimutan 'yung taong naging parte na ng buhay mo.
'Yung taong minsan ng kasama mo sa pagbuo ng panibagong mundo.
Mahal, ang hirap tanggapin ng sakit sa hindi mo paglapit,
Ngunit patuloy pa rin sa pagtibok ang lintik kong dibdib
Mahal, ang pait sa damdaming isiping ako'y iyong pinagpalit
Ngunit bakit ikaw parin ang sinisigaw at nilalaman ng aking puso't-isip?
Mahal, ang sakit-sakit na
Maaari bang hayaan na muna kita?
Dahil siguro nga...
Siguro.
Pinagtagpo tayo ng kapalaran ngunit hindi itinakdang magkatuluyan
Mahal, hindi ko alam kung may patutunguhan ba ang lahat,
Kung kahit mahulog ay may babagsakan
Hindi maiwasang isipin kung hanggang kailan tayo ganito?
Kung hanggang saan ang mararating nito?
Na kung bakit palaging may katapusan ang bawat kwento
Pero hindi ito...
Hindi.
Dahil kahit anong pagko-kompyut ang gawin ko
Walang sagot.
Wala...
Hindi ko lubos maiisip,
Saan ba ako nagkamali?
Iyon bang pagmamahal ko sa'yo ng labis?
Pero hindi.
Mali.
Nakalimutan kong ikaw nga pala ang pumutol sa lubid,
Na minsan nang ika'y nakahawak nang mahigpit
Mas mabuti na nga muna sigurong hayaan kita,
Nakakapagod na rin kasi pala.
Mas mabuting hayaang malabo ang lahat
Dahil masakit makita ang iyong paglayo
Pero mas masakit tanggapin ang katotohanan na wala kang balak na habulin ako
Ipipikit ang mga mata,
Hahayang tumulo ang mga luha
Hahayaan na muna kita.
Hahayaan kita.
Hahayaan.
Dahil mas makakabuting hayaan at kalimutan na lang ang lahat
Na parang...wala lang
Gaya ng pagtatrato mo sa ating pinagsamahan.