Ilang taon akong naghintay
marinig lamang mula sayo
ang mga katagang mahal mo ko
katulad ng pagmamahal ko sayo
Ilang taon rin akong naglakad sa dilim
umaasang patungo ako sa liwanag mo
na ang bawat kalsada ko'y hantungan
ay ikaw ang nasa dulo
Ilang beses na akong sumuko
sa pag asang magkakaroon pang tayo
gayong puso mo'y pabago bago
at kilos mo'y nakalilito
Ilang tao na ang pinilit kong mahalin
ibinuhos ang oras sa mga bagay
Na akala ko'y sakin ay bubuo
ngunit hanggang ngayon kulang parin
Ilang beses na ba akong sumubok
na ipahiwatig ang nararamdaman
sa iyong pusong tila bingi
sa aking mga sigaw na nasasaktan
At ngayong ang pagkakatao'y
nailatag na sa harapan ko
agad ko itong kinuha upang
ipaalam ang tunay na damdamin
Isang malaking galak ng marinig
pareho ng isinisigaw ang ating puso
oras naman natin to
Oras naman para sumaya ako
Ngunit bakit parang lumalabo
Bakit parang konting lakad pa'y
Haharapin ko na naman ang dulo
na wala ka sa piling ko
Bakit nang itulak kita'y
di mo na ako hinatak pabalik
Tila ba'y sawa ka na rin sakin makinig
pagkakahawak mo'y unti unting nawaglit
Na pagod na ba ang puso mo
sa pag intindi sa magulo kong mundo?
Na pagod na ba ang puso mo
sa pagmamahal sa sira sira kong pagktao?
Na pagod ka na bang mahalin
ang puso kong nagkanda sira sa daan?
Na pagod ka na bang mahalin
ang puso kong pagod na din?
Paumanhin kung ganito na ako kagulo
Madami din akong dinaan bago ako umabot sayo
Paumanhin kung ganito na kahirap
gamutin ang bawat sugat sa aking puso
Paumanhin na lamang ang tangi kong masasabi
Dahil pinilit ko pa din buohin ang sarili ko
Kahit na alam kong mahirap na lalo pa't
Hanggang dito na lang tayo...