-this content might be disturbing to some audiences.
nagbibilang ng poste,
dumidildil ng asin,
isang kahig, isang tuka,
mamamatay ng walang nakaka-alam.
tarantado ang hindi nakuntento,
sira-ulo kung puro reklamo,
magpasalamat ka nalang,
kung ikaw ay pinagpala.
nawa'y sumalangit lahat ng pangarap,
nakababad 'ata sa impyerno ang galak,
makahanap sana ng basbas sa pagdurusa,
mamamatay ng walang Huling Hapunan.