Lunes nung tayo’y nagkakilala
Martes ay puno ng tawanan
Miyerkules nung ika’y nangharana
Huwebes ay labis-labis ang iyong saya
Biyernes nung ika’y aking pinatulan
Sabado ay puno ng sumisidhing tampuhan
Linggo nung ako’y iyong iniwan
O kay bilis mong dumating
Gayon ring tulin mong nawala
Puso ko’y nagimbal
Noong ako’y iyo palang pangalawa
O kay galing mong mangsinta
Gayon ring husay mong manira
Nang puso kong noo’y masaya
Ngayo’y nagsusumamo’t lumuluha
Huling paalam
Sa sandaling ating pinagsamahan
Unang panimula
Sa liham na isusulat sa tula
Nawala ka man sa buhay ko
Salamat dahil ako’y binago mo
‘Pagkat “Tangina mo
“Mas panalo ako!”