heto na ang simula
heto na ang kinakatakutan kong mangyari
"ang mawala ang pag mamahal mo sa akin"
ang pagmamahal na inakala ko na hanggang huli ay magiging masaya, ayun pala hindi
bakit sinabi mo na ang pag mamahal mo ay magiging labis hanggang huli?
bakit ang pagmamahal mo ay tila nawawala?
bakit ang pagmamahal mo ay tila nabigyan na ng wakas? na dapat na hindi mangyari hanggang wakas?
bakit ang pagmamahal mo ay hindi na kaya ibigay ng buo?
ang puso at isip ko ay tila naglalaban, kung saan hindi na alam kung ano ang papairalin
ang puso natin ay tila nagtatampo sa isa't isa
ang mga mata mo'y nagiging mailap ng tumitig sa aking mga mata
mga pisnging mo'ng nagtatago na parang araw na nawawala na bigla ang ngiti
mga labi mong kasing kisig ng labi ng isang masayang bata, batang tila nawalan na ng gana kumain
mga talasalitaang ito ay di ko maiwasan sapagkat sakit na nararamdaman ay di na kayang kalimutan
pag mumok-mok ay napapadalas, sapagkat pag-mamahalan natin ay tila nalalagas, sa mga puso mong tumitigas, epekto nito ang natutunaw nating pagmamahalan at kasaby nito ay ang palapit na ng pag gunaw ng ating samahan, na masyado na akong nasasaktan, nasasakal, natutusok at nasusugatan
sa sobrang sakit hindi ko na alam kung ano ang dapat gawin
kung lalayuan kita o hindi?
kung mamahlin ka pa o hindi?
kung tama na o hindi?
kung masakit na o hindi?
kung masaya pa ba ko sayo o hindi?
kung tama ba ang desisiyon ko o hindi?
maraming katanungan ang gumugulo sa isipan sa tuwing naiisip ko kung paano kapag ikaw at ako ay wala na
pag piga sa aking kamao ang laging ginagawa, sapagkat gusto kong tanungin ang aking sarili na "kaya ko pa ba?, kaya ko pa ba'ng tiisin ang nauubos mo'ng pagmamahal, kaya ko pa bang mahalin ka ng lubusan kahit nag- mumukha na akong tanga sa iyong harapan? kaya ko bang limutin ang pag mamahal na ibinigay mo sakin? kaya ko ba'ng umiyak araw-araw? kaya ko ba'ng dalhin ang sakit na ito hanggang pag tanda? paulit ulit na tanong araw-araw na kaya ko pa ba?"
bumalik tayo kung saan tayo nag kakilala, kung saan tayo nagkaroon ng pagkakaintindihan sa isa't isa, kung saan tayo nag suyuan, kung saan naging sandalan ko ang iyong mga balikat sa tuwing umaagos ang luha ko sa aking mga mata, babalik ako! babalik ako at sana bumalik ang dating ikaw
akala ko mabibigyan mo ng laman at kulay ang ating storya
akala ko malulubos ko na ang pagmamahal na inialay mo sa akin
akala ko ikaw na ang aking panghabang buhay ko
akala ko naitaga mo na sa bato na mamahalin mo ako hanggang sa huli
akala ko lang pala lahat ay magiging maganda hanggang sa huli, akala ko lang pala
papagurin ko ang aking boses hanggang sa mawala ito
maiparating ko lamang sa'yo mahal ang aking dinaramdam
mahal, gagawin ko ang lahat bumalik lang ang pagmamahal mo saken, kahit magmukha akong tanga sa'yong paningin
mahal, di ako susuko
mahal, pinapangako ko, na matatapos natina ang ating istory
mahal, magsasama tayo sa hirao at ginhawa
simula ngayon mahal, di na ako mag aakala