Sa bawat tunog ng orasan,
Ang puso'y dumadabog;
Sa bawat pagpatak ng ulan,
Ang luha'y dumadaloy.
Isang gabi, ako'y gising at tulala;
Mali, madaling araw na pala;
Dilat ang mata, hindi makatulog;
'Di mawari ang sakit na tila'y umuugong.
Ang lahat ng pait at sakit na naranasan,
Sadyang bumabalik sa aking alaala,
Kalakip ang 'di maintindihang lungkot at pighati,
Ang luha'y bumuhos sa silid na dumildilim.
Unti-unting binabalot ng dilim,
Nararamdaman ang biglang kawalan sa silid,
Ang mga luhang hindi mapigil sa pagdaloy,
Sinundan ng hikbi, dinig ang lalim ng panaghoy.
Yaring hikbi'y, naging iyak;
Ginawa ang lahat upang tumahan;
Ngunit 'di mapigil, lalong sumasaklap;
Sumasaklap sa di mawaring dahilan.
Hindi alam ang gagawin,
Sumisikip ang dibdib, hirap nang huminga;
Nag-iisa sa silid na madilim,
Sadyang walang tulong na darating.
Sa takot na lumala,
Sinubukan ang sariling kumalma,
Inabot ang papel at panulat,
Nagsimulang magsulat gamit ang ITIM NA TINTA.
#czary042517