Matatandang nahihirapan nang lumakad,
Gusto paring makalipad ng mataas,
Kagaya ng ibong pakpak ay pumapagaspas,
Na naghahanap ng mapaglalagyan ng pugad.
Matatandang nahihirapan nang magsalita,
Gusto paring kumanta ng isang musika,
Kagaya ng sikat na mang-aawit,
Noong siya ay bata pa.
Matatandang halos hindi na makakita,
Ay gusto paring gumuhit at magpinta,
Kagaya ng iniidolo niyang pintor,
Noong malinaw pa ang paningin niya.
Mga matatandang konti nalang ang panahon,
Konti nalang ang panahon.....